Chapter 8

6.1K 138 7
                                    

Chapter 8 

Nagdiriwang ang buo kong pagkatao ngaun dahil bati na kami ni jojo. Hooray! Anung ibig sabihin nun? Edi, no Lanie na. Yuhu! At dahil bati na kami, dito na ulit ako sa kwarto nya. Tangay-tangay ko ng ilan sa unan ko at kumot. Planu ko kasing sa kwarto na nya ako matulog.

Sa di ko malamang dahilan ay mas komportable ako sa kwarto nya, Mas Malaki ang kanya, mas malambot pa ang higaan nya. Kaya mas gusto ko dito. Tsaka isa pa. Masarapa katabi ni jojo. Libreng yakap pa ako sa muscles nya. HAHA. 

Ok feyn. Inaamin ko na. Paminsan-minsan, Nagtutulog-tulugan lang ako tapos yumayakap ako sa kanya. Sobrang bango nga kasi, Kapag yumayakap ako kay jojo nakakatulog ako agad-agad.

“rhea..n—WOOOAAAHHH BAKIT ANG DAMING UNAN? KANINO YAN?” sabi sakin ni jojo ng makapasok sya sa kwarto.

“akin.” Sabi ko.

“bakit nandito?”

“jojo, dito na ko matutulog.” Sabi ko. Tumayo ako sa kama nya tapos tumalon sa kanya at nangumbabit sa leeg nya.

“aray naman rhea, anu ba bitaw… aray! Anu kabang babae ka.” Sabi nya. Tinanggal nya yung kamay ko tapos marahan akong ibinaba.

“dito nako jojo..” saad ko.

“dito kana matutulog gabi-gabi?” tanung nya sakin.

Tumingin ako sa kanya. “oo.” Sagot ko, nakita ko kung panun sya umiwas ng tingin, problema nito?

“h-hindi p-pwede!” sabi nya tapos tinulak ako.

“wah! Bakit?”

“anung silbi ng kwarto mo kung lagi kang andito? Shaka di mo ba alam ung salitang PRIVACY?” sabi nya sabay upo sa study table nya. Kumuha sya ng libro tapos nagsimulang magbasa na naman.

“alam ko, spell ko pa gusto mo?” Tumingin sya sakin gamit ang naiirita nyang mukha.

“jojo cge na kasi..”

“bakit ba gusto mo dito?” tanung nya. Sinilip ko ang mukha nya. Eh, mukhang di naman nagbabasa eh. Parang tense na tense pa ang mata nya.

“Ang bango mo kasi jojo. Gusto kita kayakap.” Saad ko.

“Ay tang*na!” utas nya ng mabitawan nya ang hawak nyang libro. Napatayo ako bigla.

“huy! Anyare?” saad ko. Lalapitan ko n asana sya ng pigilan nya ako.

“Sh*t! Dyan kalang rhea. Damn!” saad nya tapos pinulot ang libro. Nanginginig pa ang kamay nya. Anung problema nito?

“hoy jojo.” Sabi ko.

“alam mo ba kung anu ang ibig sabihin ng sinasabi mo?” tanung nya bago bumaling sakin.

 “oo! Tatabi lang naman ako sayo matulog.” Sagot ko sa kanya. Nakita kong napapikit sya tapos napasabunot sa buhok nya.

“tss. Inosente.” Bulong nya bago tumalikod.

“anu? Ayaw mo ba? Damot.” Utas ko. 

“Tss! oo na cge na ditto kana panu ung kwarto mo?”

“pupunta lang ako dun kapag magbibihis” utas ko tapos umupo sa kama nya.

“panu kong ako naman ang nagbibihis?” 

“depende sakin yun kung titingin ako.” Natatawang saad ko. Nakita kong napatingin sya sakin.

“Joke! Syempre di ako titingin! Asa ka naman!” saad ko.

Nanlaki ang mata nya tapos tumalikod sakin “Damn rhea. Stop teasing me.” Aniya.

Kumunot ang noo ko, Anu bang nangyayari kay jojo. “Hoy! Ayos kalang?” tanung ko sa kanya.

“Tsss. Ewan ko sayo! Inosente!” utas nya sakin.

Ngumuso ako tapos binalingan sya. “Nood tayo movie..” sabi ko, bumangon ako sa kama nya tapos pumunta sa drawer nya para maghalungkat ng CD.

“ito nalang!” sigaw ko tapos itinaas ang CDing hawak ko. Umiling-iling sya tapos kinuha iyon sakin bago isinalang sa DVD.

A WALK TO REMEMBER.

Tahimik lang kaming nanunuod. Basta Nicholas Sparks. Palaging the best yan.

“kyah! Nakakakilig jojo!” Sabi ko tapos sabay hampas pa sa kanya.

“aray! Anu ba rhea, masakit..” sagot nya sakin habang sinasalang ang bawat paghampas ko. arte neto! Parang hindi na-aapreciate yung palabas.

Masyado akong nagconcentrate sa palabas. Bawat linya ng bida ninanamnam ko talaga. Pakiramdam ko ako ang bidang babae.

Dumating na sa part kung saan malapit ng mamatay yung babaeng bida. Tae naman! Ayoko ng maging yung babae. Mamamatay pala sya sa dulo eh.

“wah! Jojo, may sakit pala si Jaime. Leukemia. Wah!” utas ko. sobrang mababaw ang luha ko kaya kahit sa mga ganitong bagay ay sobra na akong naaapektuhan.

Lumapit sakin si jojo tapos inakbayan ako. “tahan na, anu kaba. Movie lang yan..” saad nya.

 Pinunas nya ang luha ko.

“Wag ka ng umiyak jan, Alam mo Rhea, Bakit di mo tignan ung positive side, namatay yung babae pero nakapagiwan sya ng isang aral. Isang aral kay landon. Alam mo ba kung anu un? That LOVE IS TRUE. Pinatunayan nya yun. Atleast nung namatay si Jaime, nagawa nyang nakapagpabago ng buhay ng isang tao. Hindi nya sinayang ung oras nya sa pagiyak o sa pagmumukmuk dahil may sakit sya, kundi inilaan nya ung oras na yun para maging masaya. Mas pinili nyang maging masaya..”

 Saad nya sakin. Napatingin ako kay Jojo, saktong tingin nya sakin.

Ngumite sya tapos ginulo ang buhok ko. Napalunok ako.

Malakas na tibok ng puso.

Nagwawalang mga paru-paru.

Malamig na pawis.

Bakit ko ‘to nararamdaman? Gusto kong magkaroon ng assurance kaya pinilit kong dito ako sa kwarto nya para mabantayan ko sya.

Sobrang nagiingat ako sa mga galaw ko dahil ayokong magaway kami ulit. Natatakot akong tumalikod sya sakin at hindi na muling lumingon pa.

Maswerte lang ba talaga ako? Oh, Ganun lang talaga ako kabuting tao para magkaroon ng isang Jojo sa buhay ko?

Pakiramdam ko my parteng patay sa akin kapag wala sya sa tabi ko. He’s my other half. Para bang ipinanganak kami para magsamang dalawa.

Hindi ko nakikita ang sarili ko sa future ng wala sya. Bawat pagtanaw ko sa hinaharap palagi ko syang nakikita sa tabi ko. Nakangiti at nakahawak sa kamay ko.

Napahawak ako sa dibdib ko.

Im Inlove with my Bestfriend.

i Fell Inlove with my BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon