Chapter 43
“What a cute couple. Tonight is your night Daryl and Rhea. Tonight is your engagement party surprise!”
Sobrang nanlaki ang mga mata ko sa nadinig. WTH? Totoo ba ito? Napatingin ako kay papa na nakangese sa aming dalawa ni daryl. Gusto ko syang sugurin sa baba pero di ko magawa, naninigas ang mga binti ko, nangangatog ang tuhod ko at nangingilid ang luha sa mga mata ko.
Panu nila to nagawa sakin?
“Rhea.. im sorry, I don’t know.” Bulong ni daryl sakin. Tumango lang ako pero patuloy padin ang pagpatak ng luha. Hindi ko na napigilan. Panu na si jojo? Panu na kami ni jojo? Akala ko ba sa pag graduate ko pa? Bakit napaaga? Malapit ng makagraduate si jojo. Pagkatapos nun, aalis na kami diba? Tatakbuhan na namin ang lahat ng ito. Pero paanu na ngaun? Paanu nalang ngaun?
Matapos ang palakpakan ng mga tao, inakay na kaming dalawa ni daryl para sa isang upuan doon na nakalaan pala sa aming dalawa. Tumingin ako sa paligid pero wala si jojo. Kinuha ko ang cellphone ko sa pouch ko. Pagkabukas ko. Madaming message agad ang tumambad sakin na galing kay jojo.
Jojo:
Rhea. Choose me.
Tumulong muli ang luha sa mga mata ko.
Jojo:
Rhea please, Talikuran mo silang lahat. Sumama ka sakin. Runaway with me.
Pinunas ako ang mga luhang dumadaloy sa mga mata ko, para itong gripo na patuloy lamang sa pagagos, pakiramdam ko mauubusan na ako ng tubig sa katawan. Im sorry jojo..
Jojo:
What the Fvck rhea! Umalis ka sa stage na yan. Your not belong there.. You belong here… right beside me..
Iniscroll ko pa ang text tapos nakita ko ung pinakarecent nyang text sakin.
Jojo:
Even if you are close to me.. Your still far away.. You’re the person I love most in the world.. This is truly painful rhea.. So painful..
Pakiramdam ko pinagsarhan ako ng mundo ng kaligayahan dahil sa sinabi nyang iyon. Humagulgol ako sa pagiyak. Gusto kong padyak ang paa ko dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. is he giving up? Damn no!
“Rhea..” utas ni daryl pero hindi ko sya pinansin, wala na din ako pakialam kong marinig man ng ibang tao ang malakas kung hagulgol. I don’t care anymore. Putang*na lang! Ang sakit-sakit na. Alam kong mali pero.. Damn! I love jojo so much.. Isipin ko palang na mawawala sya sakin di na ko makahinga.
“rhea.. they are looking at you stop crying..” he said. Pero di ko padin tinigil ang pagiyak ko. Lumapit sakin sila tita at tito.
“Rhea. Hija, Why are you crying? Aren’t you happy?” nagaalalang tanung nila sakin. Humikbi ako ng humikbi pakiramdam ko di na ako makakahinga, May malaking bagay na nakabara sa lalamunan ko at may malaking bagay na nakadagan ngaun sa puso ko. Sobrang bigat. Sobrang sakit.
“Rhea. What happen?” tanung ni papa sakin. Pinagtitinginan na kami ng mga tao. Nagkakaroon nang bulong-bulungan pero wala akong pakialam. Sabihin na nila lahat ng gusto nilang sabihin. I don’t give a damn anymore! Hinawakan ko ang braso ni papa at hinarap sya.
“papa.. im so sorry.. pero hindi si daryl ang mahal ko. I don’t love him..” umiiyak na saad ko, napasinghap ang tao sa paligid dahil sa sinabi ko. Nanlaki ang mga mata ng magulang ni Daryl, Napalitan ng tension ang mukha ng bawat isa. Handa na ako sa magiging resulta matapos nito. Ang importante sakin ay si jojo. There’s so much pain in his heart at dahil sakin yun.