Special Chapter 4
Jojo x Rhea Forever.
Nakatulala lang ako habang pinapanuod si jojo na maglakad palayo sa akin. Gusto ko syang habulin pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Nasasaktan ako.. sobra.. sobra-sobra..
Ayaw ko syang umalis per hindi ko sya magawang habulin.
Lalo akong naiyak ng makitang nagsara ang pinto sa venue, pakiramdam ko pinagsarhan na ako ng pinto ng kaligayahan. Pakiramdam ko ang layo na naman ni jojo sakin.
Nagkagulo ang mga tao sa paligid. Matindi ang bulong-bulungan pero para bang hindi ko nadidinig ang lahat ng iyon. Iisa lang nasa isip ko.. si jojo..
“Rhea..” utas ni Daryl sakin. Hinawakan nya ang balikat ko.. Tumingin ako sa kanya habang lumuluha. Kitang-kita ko ang kalungkutan sa mata nya, alam kong nasasaktan ko na naman sya.
Gusto kong lumuhod at magmakaawa sa harapan nya ngaun.. please Daryl let me go.. pero hindi ko magawa, ayoko ng maulit ang ginawa kong pagtakas noon, Ang matinding sakit na idinulot ko sa kanya noon. Andito na ako. Andito, sa tabi nya.
Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko, pinunas ko ang sarili kong luha at muling ngumite sa mga bisita. Nagpatuloy ang party, inakala ng ilan na sobrang naging emosyonal lang ako sa mga sinabi ni Jojo sakin dahil malapit ko syang kaibigan pero hindi nila alam na si jojo ang lalaking mahal ko noon pa man..
“Maraming salamat sa pagpunta.” Utas ni papa sa ibang bisita ng maguwian na. Nagsilapitan sakin si allen josie at cheche.
Agad naman akong niyakap ni Josie. “Im okay.” Utas ko.
“I wasn’t expecting that, di ko alam na kayang sabihin iyon ni jojo sa harap ng maraming tao.” Utas ni cheche.
“it’s a proof that jojo loves you so much.” Saad ni allen, napakagat-labi ako. Muling tumulo ang luha ko sa mata.
“Oh? Anung iniiyak-iyak mo dyan? Wag mong sabihin nagsisisi ka ngaun? Pepektusan talaga kita!” utas ni josie, Nagpunas sya ng luha sa mata. “I admire jojo, sibrang mahal ka nya. Mahal mo ba talaga si Daryl kaya ka magpapakasal sa kanya?” tanung nya. Natigilan ako. Wala akong maramdamang kahit anu, maliban nalang sa matinding sakit na bumabalot sa puso ko ngaun.. Naagaw ng tingin ko a Daryl na nakatingin sa akin. Ngumite ako sa kanya dahil kitang-kita ko ang pagaalala nya sa mata.
“Hoy! Mahal mo ba si Daryl?” sabi ni cheche tapos ay kinalabit ako. Gusto kong magsalita pero walang salita ang umusal sa bibig ko. Pumikit ako at pinakiramdaman ang puso ko, Gusto kong malaman kung anu ang nasa kaibutaran nito.