Chapter 4

6.8K 134 7
                                    

Chapter 4

 

“Baby. Wake up!”  Nadinig kong sabi ng isang gwapong boses. Ngumite ako tapos sininghot-singhot iyon. Hmm. Ang bango.

“hmm..” saad ko tapos niyakap iyon. Ang tigas naman ng stuff toy na ‘to? Pero carry lang. Mabango naman.

“t-teka, di ako makahinga, wag mo akong yapusin!”  Nadinig kong sabi nya. Nagsasalitang stuff toy? Kakaiba naman ‘to. Itinaas ko ung kamay ko tapos hinampas-hampas ang stuff toy na yakap-yakap ko.

“Ang tigas mo naman..” nakapikit na saad ko.

“Aray! Rhea. Anu ba. Gumising ka nga! Hoy! Masakit!” Hinawakan nun ung kamay ko, Napadilat ako.

  

“jojo!” biglang sabi ko sabay tayo. Tumayo din sya sa kama ko tapos inayos ung magulo nyang buhok. Napayuko ako. Hindi teady bear ung hawak ko.. Si jojo yun! Shet lang!

“aray! Ang sakit..” saad nya habang hinihimas ang ulo nya ng nakapikit. Umiling-iling ako. Pakiramdam ko, Model si Jojo ng bench. Ang messy ng buhok nya tapos nakabutas pa ung unang tatlong botones ng polo nya.

OH MY GULAY.

Kahit bestfriend ko tong bano na ‘toh. Syempre di ko mapigilang pagnasaan ang katawan nyang mala Adonis no.

Umubo ako kunwari tapos tumingin sa ibang direksyon.

 

“l-lumayas ka nga! Tsaka ayusin mo yang polo mo! Kainis to!” sabi ko tapos nagtalukbong ng kumot.

Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko, Shet lang! Kelan ko pa natutunang pagnasaan ang bestfriend ko? Bakit kasi ang Gwapo nya? Bakit meron syang abs? Oh Lord, BAKIT?

Pumikit ako ng mariin. Pero napadilat din ako ng maramdaman ang isang mainit na hininga banda sa leeg ko. 

Tinanggal ko ang kumot ko tapos nakita ang malapit na mukha ni jojo sakin. Nakatungo sya sakin. Napakapit ako ng mariin sa kumot ko.

“Shet! Jojo anu ba!” saad ko.

Ngumese sya tapos tumuntong sa kama ko. Nanlaki ang mata ko tapos awtomatik na napaupo at napaatras. “A-anu ba! Jojo naman eh! Baliw ka talaga!” saad ko habang umuurong.

Dinilaan nya ang labi nya tapos mas lalong lumapit sa akin. “Ikaw kasi e, ayaw mo agad bumangon..” saad nya.. “kaya naman, kung gusto mo…” utas nya. Nakalapit na sya sakin. Hinila nya yung kumot na yakap-yakap ko tapos inihagis yun sa lapag.

“Hoy Ba—hmm.” Saad ko, Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng idikit nya ang noo nya sa nook o. Ibinuka nya ang bibig nya tapos ay hiningahan ako sa mukha. Hmm. Bango. Pero, Damn! Shit naman rhea.

“Jojo..” utas ko.

“Dito nalang tayo?” nangaakit na saad nya.

i Fell Inlove with my BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon