Chapter 17

6.3K 108 5
                                    

Chapter  17

Iniwan na ako ni jojo pagkatapos nun dito sa kwarto, limang minuto na ung lumipas nung umalis sya pero ako nanatiling nakaupo parin dito sa kama habang hawak-hawak ung labi ko. Pakiramdam ko nakalapat padin ung labi ni jojo sakin.

“kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!!!” sigaw ko tapos niyakap-yakap ko ung unan ko. Sheeeet, kinikilig talaga ako. Tapos sabi pa nya magdadate kami mamaya.

Tumayo na ako tapos pumunta sa cabinet ko, naghanap ako ng pwedeng maisuot. Isa-isa kong nilapag sa kama ko ung mga damit ko, kukuha ako ng isa tapos itatapat un sakin tsaka titingin sa salamin kung bagay ba.

Ilang damit nadin ung nasubukan ko pero parang di ko gusto, nakakainis naman! gusto kong magmukhang maganda sa date namin ni jojo mamaya.

“Urghh! Nakakainis!” sabi ko. Ang dami kong damit pero wala akong mapili. Ayokong magdress o magskirt baka ayaw ni jojo, ayoko ko ding magpantalon kasi di ako makakilos ng maayos. Anu ba! Nakakainis naman!

Humiga ako sa kama, nakakawala sa mood kapag wala kang mapiling suotin. Tsss. Nakatitig lang ako sa kisame . anu bang susuotin ko?

*TING.

Napatayo ako bigla!

Alam ko na.

Kumuha ako ng black shorts sa cabinet ko tapos isang blouse na may touch of black din, tapos nagsuot din ako ng isang makapal na brown jacket kung sakaling lumamig.

Humarap ako sa salamin.. weeeeeeeeeeeeee. Perfect!

Inayos ko ung sarili ko, medyo nanghinayang ako sa buhok ko, maiksi na kasi sya ngaun.. nilagyan ko nalang sya ng style tapos nagpulbos at lip balm lang ako. Nagsuot ako ng sandals tapos.. ready na ako..

Hooooraaay… hooorayyy \\(*o*)//

Narinig kong may kumatok sa pinto ko. si jojo na yun.

“Rhea, ready kana?” tanung nya sakin.

“oo. Teka..” sabi ko tapos lumabas na ng pinto. Halos lumuwa ung mata ko sa nakita ko, nasisilaw ako kay jojo, sobrang gwapo pala talaga ng boyfriend ko ano?

Nakasuot sya ng white shirt na may light blue stripes tapos denim pants, nakabonet sya ng kulay yellow tapos konting accessories lang. napalunok ako bigla.

Nakatitig lang ako sa kanya, pinagmamasdan kong mabuti ung napaka-manly nyang tindig ung buhok nyang gulo-gulo pero ang ganda padin, ung kutis nyang makinis, ung mapupungay nyang mata, ung matangos nyang ilong,

Bumaba ung tingin ko sa mapupula nyang labi. Napalunok ako bigla. Bumalik ung ala-ala nung nangyari kanina.

Nakatitig padin ako dun nang Makita kong umangat ung gilid ng labi nya. Naka-smirk na naman sya.

“Baka matunaw ako..” nakakalokong sabi nya sakin, pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko.

“ewan ko sayo!” sabi ko sabay hampas sa braso nya. Tumawa lang sya tapos hinawakan ung kamay ko. lumabas kami ng bahay na magkahawak ung kamay.

Akala ko magcocommute kami pero nagulat ako nung lumiko sya at pumasok sa kotse ni atom.

“hoy! Anung ginagawa mo jan? baka magalit si atom.” Saway ko sa kanya.

“I have the key pasok na,” sabi nya pumasok na sya sa loob habang ako naman nakatayo padin sa labas, binuksan nya yung pinto ng kotse habang nasa loob sya nito.

“lagot tayo kay atom.”  I said. Pero he just grin at me, iba talaga ang sapak ng lalaking toh.

“papasok kaba o iiwan kita dito?” pagbabanta nya sakin, walanghiyang lalaki to!

i Fell Inlove with my BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon