Chapter 47

3.9K 66 7
                                    

Chapter 47

Nagpatuloy ang buhay ko. Wala na din si Atom sa bahay dahil nagtratrabaho na din sya ngaun. Meron  syang sariling condo unit, Successful na ang buhay nya. Kulang nalang sa kanya ay asawa. Hindi ko alam kong anu ng nangyari sa kanila ni kei, Ang alam ko ay nagdadate sila pero hindi ko alam kong bakit ayaw pa nya itong pakasalan.

Mabilis lumipas ang mga araw at buwan. Parang kelan lang, Ngaun ay nagthe-thesis na din ako. Mas lalo akong naging busy kaya kahit na classmate ko sila josie,cheche at allen ay bibihira nalang kaming nagkikita tuwing may pasok nalang. MWF kasi ang pasok ko sa school at tuwing TTH naman ang OJT ko sa office nila papa, mabuti nalang at natanggap ako doon base sa abilidad ko at hindi dahil sa isa ako sa anak ng share holders doon.

“im so stressed oh my God!” utas ni allen tapos ay inihilid ang ulo nya sa desk. Napailing ako, sabagay nakakapagod talaga kapag college na.

“kunteng tiis nalang. Gragraduate na naman tayo.” Saad ko. Ngumise sya sakin.

“OH MY!” tili ni cheche. Nakita ko ang Paglaki ng mata ni cheche habang nakatingin sa ipad nya.

“Anu yan?” utas ko. Umiling sya at tumingin sakin na namumutla pa.

“Ah.. w-wala ito..” utas nya tapos siniko si josie. “oo nga wala!” utas naman ni josie. Nakaamoy ako ng kung anu kaya naman agad kong hinablot ang ipad sa kanila.

“Akin na yan! Di mo naman kaylangan Makita na yan rhea.” Sabi ni cheche pero di ako nagpatinag tumayo ako tapos ay nakangiseng sinulyapan kung anu ang tinitignan nila doon, at napagtanto kung hindi anu ang tanung,

Kundi. SINO.

Nanghina ang tuhod ko ng makitang si jojo iyon. Nagsend sya ng friend request kay josie at cheche. Nakangisi ako pero ramdam na ramdam ko ang pagkirot ng puso ko. Pero, Damn! Relax rhea. Wag kang apekto. Ibinalik ko kay cheche ang ipad nya ay muling umupo sa table ko.

“sus! Yan lang pala. Anu ba naman kayo, matagal na kaming wala. Jusko. Tignan nyo magiisang taon na.” utas ko. Kinuha ko ang libro ko sa bag at kunwaring nagbasa, Dammit! Di ko maiwasang napalunok ng madami. Nanginginig ang labi ko habang nakatingin sa libro, alam ko na ang susunod nito. Iiyak na naman ako.

“yun naman pala eh, oo nga naman! Ok na si rhea. Patingin nga.” Utas ni allen tapos kinuha ung ipad ni cheche. “lalong gumwapo ni jojo anu? Black na ang buhok nung naunang nakita ko sya blonde ang buhok nya. Bagay iyon sa kanya dati pero mas bumagay ata ang itim nyang buhok ngaun. Mukha na din syang professional, mukhang mayaman na kasi tignan mo ung profile pic nya nasa loob sya ng mamahalin kotse.. napapaisip tuloy ako, may asawa na kaya sya ngaun? Tingin mo rhea?” utas ni Allen sabay baling sakin. Nanlaki ang mata ko. Ang daldal talaga nito, gusto ko tuloy isalaksak sa bibig nya ang librong hawak ko.

Bintukan sya nila cheche at josie dahil sa sinabi nyang iyon. “ok lang s..sakin, wala na naman kami” utas ko. pakiramdam ko nalunod ako sa sarili kong laway dahil doon.

Buong gabi iyon lang ang inisip ko. Panu nga kaya kung magasawa na sya? Isang taon palang sya sa Paris pero mukhang sobrang successful na nya. Hindi ako magtataka, sobrang talino kasi ni jojo at isa pa. Halos lahat ata ng tao ay gusto sya.

Tumayo ako tapos kinuha ang laptop ko sa table, planu kong gumawa ng documentation sa thesis pero kating-kati ang mata ko na magbukas ng facebook. Kaya pinagbigyan ko na ang sarili ko, promise.. last na. titignan ko lang naman kung nagsend din sya ng friend request sa akin.

i Fell Inlove with my BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon