Chapter 34

3.8K 61 5
                                    

Chapter 34

“Jojo, Miss na kita.” Nakangusong sabi k okay jojo habang nags-skype kami ngaun. Andito ako sa kwarto ko at kabubukas lang ng laptop dahil nagtext sya sakin na online sya ngaun.

Nakita kong napangiti sya habang pinapasadahan ang blonde nyang buhok gamit ang isang lang palad. “miss na din kita. Kumusta ka dyan?” tanung nya sakin. Nakita kong bahagya nyang inayos ang camera para Makita akong mabuti.

“madami akong assignments ngaun kaya umuwi kana dito.” Sabi ko. Narinig ko syang humalakhak ng malakas tapos inilagay ang kamay nya sa bibig nya.

“2 days nalang baby.”

“anung ginagawa nyo dyan? Asan ung mga kasama mo?” tanung ko tapos tumingin-tingin sa paligid nya.

“Ahh. Nasa bench sila.” Kumunot ang noo ko.

“ikaw lang dyan? Sinong kasama mo?” Narinig ko ang mahina nyang pagtawa sa kabila.

“Relax. Ako lang dito. Di ako sumama kasi mas gusto kong makausap ka. Miss na kita! Kiss ka sakin pag dating ko.” pagbabanta nya. Pero kinilig naman ako.

Ngumuso ako at sinimangutan sya. 2 days pa nga pala. Ang tagal pa kaya!

“may gusto ko bang sabihin sakin?” tanung nya na naging dahilan ng pagtingin ko sa kanya sa camera.

“h-huh?” tanung ko.Napalunok ako ng madaming laway. Wala naman akong ginawang masama diba? Pero bakit ganito ang nararamdaman ko?

Damn! Nagbalik sa ala-ala ko ung date namin ni daryl, pero that was a friendly date. Birthday nya kaya pinagbigyan ko sya.

“Baka may gusto kang ikwento sakin.” Nagiwas ako ng tingin.

“w-wala naman.” Utas ko sa kanya.

Nakita kong hinawakan nya ung mukha ko sa camera. “Miss na miss na kita, Di ako makahinga dito kasi wala ka.”

Napangiti ako pero binalik din ung seryoso kong ekspresyon.

“Tsss. Mamaya, masyado mong ini-entertain si lanie dyan.” Nakangusong sabi ko.

“HAHAHA. Hindi no. ikaw lang.” saad nya napangiti naman ako doon.

Atleast, alam ko na loyal sakin si jojo, bakit ko kaylangang magduda? Minahal na nya ako noon pa.

Nung nag 11pm na nagpaalam na sya sakin dahil kaylangan ko na daw matulog, ayoko pa nga nung una pero pinagalitan nya ako kaya wala akong nagawa kundi patayin ung computer kahit ayoko pa. Nakangiti akong humiga sa kama ko dahil nakausap ko na naman sya. Nakatitig lang ako sa kisame sa loob ng sampung minuto, nagiisip at nag iimagine lang ng mga bagay-bagay.

Kung anung mangyayari sakin. Kay jojo… at kay Daryl.

Nagitla ako ng marinig na nagring ung cellphone ko, agad kong kinuha un at nakitang tumatawag si jojo.

“Hello jojo.” Nakangiting saad ko sa kanya.

“sabi ko na nga ba di ka pa tulog!” ouch naman! Pakiramdam ko sinigawan nya ako sa kabilang linya.

“eh. Bakit ka ba tumawag?”

“im just checking kung tulog kana. Ang tigas ng ulo mo.” Pakiramdam ko nakapoker face pa sya habang sinasabi un sakin natatawa tuloy ako.

i Fell Inlove with my BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon