Chapter 6

5.6K 117 3
                                    

Chapter 6

 

Magiisang linggo na akong hindi pinapansin ni jojo. Nasa iisang bahay lang kami pero pakiramdam ko meron isang malaking pader na nakaharang sa pagitan namin. Ihahatid nya lang akong papasok tapos aalis na sya agad. Mukhang galit talaga sya sakin, Hindi ko alam ang dahilan. Namimiss ko si jojo. Naiiyak ako sa ginagawa nya.

 

“Good morning jojo. Kain na.” saad ko sa kanya. Napatingin sya sakin pero nagiwas din ng tingin.

“Good morning kuya,tito.” Saad nya tapos umupo sa tapat kong upuan. Napatingin ako sa upuan sa tabi ko. Bakit hindi sya umupo doon? Doon  naman palagi ang pwesto nya ah.

“Good morning jojo!” saad ko muli.

Napatingin sya sakin. Ngumite naman ako sa kanya. “Mornin” walang ganang tugon nya. Napasimangot ako.

Kinuha ko ung kanin tapos tumayo para lagyan sya sa pinggan.

“Kumain ka ng madami joj—“

“ayoko nyan rhea.” Utas nya sakin. Napatigil ako sa ginagawa ko at umupo muli. Pinagdikit ko ng madiin ang labi ko ng maramdaman kong nagbabadya ang luha mula dito.

Jojo. Bakit kaba ganyan?

Nawalan ako ng gana dahil doon.

Inilapag ko ang kubyertos ko tapos tumigil na sa pagkain.

Tumayo nadin si jojo. Tumayo na din ako. Naglalakad lang kami ng tahimik. Gusto kong kumapit sa braso nya tulad ng dati kong ginagawa pero para bang may kung anung enerhiya na nagsasabi sa akin na huwag kong gawin iyon.

Napakagat-labi ako sa panlalamig nya sa akin. Nasan na ang dating jojo? Nasan na ang jojo ko?

“jojo.” Saad ko sa kanya. Hindi nya ako nilingon. Naglalakad lang sya habang nakalagay ang dalawang kamay sa kanyang bulsa.

Tumakbo ako para maabutan sya.

“Jojo..” saad ko. Kumapit ako sa braso nya. Napatigil naman sya sa ginawa ko.

“jojo. Galit kaba sakin?” tanung ko sa kanya. Nakatitig lang sya sa mga mata ko.

“ihahatid na kita sa school mo.” Saad nya. Hinawakan nya ako sa braso tapos hinila papasok ng taxi. Umupo na din sya pagkatapos nun.

 

“jojo. Kung anu man yun sorry na..” saad ko, Di sya natinag nakatingin padin sya sa mat bintana.

“joj—“

“Wag ka ngang makulit.”

“ikaw kasi eh! Ang sungit mo.” Saad ko. Ngumuso ako. Nakita kong napatingin sya sa akin. Nagkagat-labi sya tapos napahawak sa batok nya.

“Dammit. “ dinig kong sabi nya. Tumingin sya sa malayo pagkatapos noon.

Napatitig lang ako sa mukha nya. Nagwawala na naman ang paru-paru. Nagrarally sila. Sinasabayan pa ang pagtibok ng puso ko. Anu ba ‘tong nangyayari sakin.

Napayuko ako tapos napahawak sa dibdib ko. Ang bilis. Ang bilis-bilis.

Nagitla ako ng biglang hawakan ni jojo ang kamay ko at hinila ako palabas ng taxi.

 

“andito na tayo.”

i Fell Inlove with my BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon