Special Chapter 3

4.4K 83 5
                                    

Maaga akong nakapagayos dahil hindi talaga ako nakatulog buong gabi, paulit-ulit akong minumulto ng ala-ala ni jojo, paulit-ulit na nagbabalik sa akin ang lahat ng ala-ala naming dalawa, kahit pilit kong ipikit ang mata ko ay puro si jojo lang ang nakikita ko, sya lang.

Today is my engagement party, Nakaharap ako sa salamin habang tinitigan ang sarili ko suot ang isang kulay puting sleeveless dress na lagpas tuhod. Matatali na talaga ako malapit na..

Kinalkal ko ang drawer ko para maghanap ng alahas na naisusuot, naagaw ng pansin ko ang kwintas na ibinigay ni jojo noong 19th birthday ko. Matagal ko na itong hinubad. Hinawakan ko ito at pinagmasdang mabuti, nangilid ang luha sa mata ko, may kung anu sa dibdib ko at napakabigat iyon.

Agad kong itininago ang kwintas sa bulsa ko ng madinig ang pagkatok ni papa sa kwarto ko.

Lumapit ako sa pinto tapos ay binuksan ito. “Anak, alis na tayo. Are you ready?” tanung nya.

“Yes pa.” utas ko. Ngumite ako kay papa, nakangiti lang din sya sa akin tapos ay hinawakan ang kamay ko.. “Kamukhang-kamukha mo talaga ang mama mo, I want you to be happy anak, are you happy right now?” tanung nya sa akin. Napakagat ako sa labi ko, tanung ko din yan sa sarili ko ngaun.. Am I happy?

“Pa..”

“I know, dati ako ang naging hadlang sa inyo ni jojo. Nung araw ng engagement mo noon, kinausap ko sya na lumayo sayo para mag grow-up kayong dalawa, I told him to let you stand on your own feet..” utas nya. Nanlaki ang mata ko. “Lumuhod sya sa harap ko at sinabing mahal na mahal ka nya..” lumuhod si jojo?

“Pa. bakit mo yan sinasabi sa akin ngaun.”

Ngumite sya tapos hinawakan ang mukha ko. “I want you to be happy anak, today is your engagement.. the decision is yours, kahit na anung desisyon ang gawin mo magiging masaya ako para sayo..” utas nya bago ako iniwan doon.

Happy. Being happy. Nakalimutan ko na ata ang ibig sabihin ng salitang yan simula ng mawala si jojo sa buhay ko.

Ilang minutong biaje ay nakarating na din kami sa isang engrandeng hotel kung saan idaraos ang engagement party namin ni Daryl, pagbaba ko palang ng sasakyan, may kung anu na naman sa systema ko at para bang napakabigat ng nararamdaman ko ngaun.. Lumunok ako ng madami bago ako nagmarcha papasok kasama si papa, panay ang bati sakin ng mga bisita, ngiti lang ang kaya kong naibigay sa kanila.

Sinalubong ako ni daryl tapos ay hinalikan sa pisnge. Ngumite ako sa kanya pero iba ang hinahanap ng puso ko, I wonder kung pupunta sya.. si jojo..

“Ang ganda mo ngaun..” sabi ni daryl. Bumaling ako sa kanya tapos ay ngumite.

i Fell Inlove with my BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon