Chapter 24
“Happy Birthday. Mrs. Enrique. Surprise!”
Lalong nanlaki ung mata ko sa mga narinig, walang salita na gustong lumabas sa bibig ko. ibig sabihin? Sya? The hell no!
“Papa no!” sigaw ko. pinagtinginan kami ng mga tao sa restaurant pero wala akong pakealam. Damn! It’s my birthday., I should be damn happy right now.
“Anak, take a sit..” utos ni papa sakin, nakita kong seryoso ang mga titig nyang nakatingin sakin, kinagat ko ung labi ko tapos umupo sa upuan at worse, magkatapat pa kami ng Daryl na ‘to. Tumingin ako kay jojo ng hawakan nya ung kamay ko sa ilalim ng table at pisilin un. Naiiyak ako. This is not true. Ayoko ng ganito. Ayoko.
“hija, happy birthday.. para sayo.” Napataas ang tingin ko ng makita ang mama ni Daryl na inaabot sakin ung regalo nya. Napasimangot ako. Nakatitig lang ako sa kanya. Damn! Ayokong maging bastos pero..
“Rhea, wag kang bastos, tanggapin mo na.” sabi ni papa. Ngumite ako ng pilit tapos tinanggap ang inaalok nyang regalo sakin. “S-salamat po.” Nakangeweng sabi ko.
“di ko alam na lalaking ganyan kaganda si rhea.” Nakangiting sabi ni tito , Nakayuko lang ako at di magalaw ung pagkain ko. Damn! This is not happening. I am against with this. Bakit sa lahat ng tao si Daryl pa? Matagal ko ng alam ang tungkol dito, pero bakit nanahimik ako at di manlang kinausap si papa? Matagal ng nasa tabi ko sa Daryl pero bakit di ko nahalata? Kaya ba ganyan ang pakikitungo nya sakin? Lahat-lahat ng gestures nya may ibig sabihin. Ang tanga mo rhea!
“Rhea is now 19 years old, 2 years pa bago sya grumaduate ng college, maybe we can held the engagement party after their graduation.” Sabi ni tita, How dare her to decide? Napatingin ako kay papa. No!
“papa, Di ko maintindihan, bakit kaylangan kong magpakasal? Di ko kilala si Daryl. Classmate ko lang sya pero hindi ko sya ganun kakilala.. isa pa, wala.. kaming nararamdaman sa isa’t-isa.” Nangingilid ako luha ko. NO. this can’t be. Grabe naman to’ panu nalang si jojo? Damn! Nakita kong napatingin silang lahat sakin. Yes! Im being a bitch here! Yes I am, but a don’t give a damn! Ayoko. Ayoko. Di ko to matatanggap!
“Rhea, makinig ka sakin. Ginagawa namin to para sa inyong dalawa. Daryl is a good person, I know he can take care of you. Isa pa, kaming dalawa ng tito Nelson at tita Sharon mo ay magkaibigan na simula pagkabata. Kilala din sya ng mga magulang ni atom at jojo. Nagkososyo din kami sa negosyo, matagal na naming tong pinagusapan, mga bata palang kayo”
Anung klaseng dahilan yun? This is unfair. Bata palang pala ako ibenenta na ako sa taong to?
“pero di ko sya mahal..” nangangatog na sabi ko sa kanya, narinig kong binitawan ni daryl ung kobyertos nya. Napatingin ako sa kanya, kitang-kita ko sa mga mata nya ang hinanakit. Kilala ba nya ako dati pa? Anu bang meron sa lalaking to? Napakamisteryoso nya para sa akin. Hindi ko sya kilala, mga bata palang kami si Atom at Jojo na ang nakilala ko. Wala akong naaalalang Daryl Enrique sa buhay ko.
“matututunan mo din akong mahalin rhea.” Madiin nyang sabi.. Pinukol ko sya ng masamang tingin, I don’t think kong matutunan ko syang mahalin, taliwas sya sa lalaking gusto kong makasama sa buhay. Si jojo yun at hindi sya!
“No! Papa, You can’t decide for me. Bakit mo ako ipapakasal sa taong di ko gusto? Damn! This is not true. Today is my birthday. I was supposed to be happy. Ito ba ang birthday gift mo sakin ha papa? Well, thank you! Im Surprise!” giit ko tapos tumakbo palabas ng restaurant.
Pinahid ko ung luhang walang humpay na umaagos sa mga mata ko, tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa huminto ako sa ilalim ng isang malagong puno. Sumandal ako doon tapos pinahid ung luha ko.
“This is not true..” paulit-ulit kong sabi. Halos mapunit na ang pisnge ko sa kapupunas ng luha ko. pero ayaw padin tumigil, nakapagtatakang hindi pa ako nauubusan ng tubig sa katawan.
“Rh..e.a.” napalingon ako ng madinig ang boses ni jojo, Tumingin ako sa kanya. Hingal na hingal sya habang nakahawak sa tuhod nya. Lalo akong naiyak. Si jojo. Panu na si jojo?
“jojo.. im sorry, I already know about the engage---“ naputol ung sinasabi ko ng hatakin nya ako para yakapin. Isang mahigpit na yakap.. Pakiramdam ko nalusaw ang lahat ng hinanakit ko ng mga sandaling yun, pero sa tuwing naaalala ko ang mukha ng Daryl na yun, naaalala ko ang lahat. Ang lahat-lahat.
“Tsss… tahan na..” sabi nya sabay haplos sa buhok ko.
“classmate ko si Daryl.. bagong transfer sya sa school na pinapasukan ko, kaya pala ganun.. kaya pala ganun sya sakin, kasi alam nya..” sabi ko kumalas ako sa yakap sa kanya tapos hinarap sya. “Jojo, nung nalaman natin ung tungkol sa engagement sana kinausap na agad natin si papa.. sana… sana sinabi nalang natin na tayo.. Sana, sinabi nalang natin na boyfriend kita para di nya ako ipakasal, Jojo sana inagapan na natin..” natatarantang paliwanag ko sa kanya. Hinawakan nya ung mukha ko gamit ung palad nya.
“Rhea.. di kita bibitawan kahit anung mangyari..” Nakita ko ang paghihirap sa mga mata ni jojo, alam ko kung sino man mas ang nasasaktan ngaun, sya yun..
Mga bata palang kami sobra na nya akong minahal, palagi syang anjan para sa akin kahit na nung mga panahon na si atom pa ang mahal ko. God, Bakit ganito? Di ito tama.
“JoJo. A-anung gagawin natin..”
“Naaalala mo ung sinabi ko sayo?” tumango-tango ako, sobrang nanlalabo sya sa paningin ko dahil sa namumuong luha sa mga mata ko.
“isang taon lang rhea.. Isang taon lang..” pinagdikit nya ung mga noo namin. “May dalawang taon pa para sa engagement, may isang taon nalang ako para makapagtapos ng pagaaral, kaya mong maghintay diba? Magtiis lang tayo ng kaunti rhea. P..please just s..stay.” nanginginig ung boses nya habang sinasabi ang mga yun.
Kahit na hindi ko masikmura si Daryl at sobrang nasusura ako sa ugali nya, kaya ko namang magtiis. Para kay jojo kaya ko.
“oo jojo. Isang taon.. Isang taon..” ulit ko. pinunasan nya ung luha sa mga mata ko tapos inilahad ang kamay nya sakin.
“Bumalik na tayo..”
Bumalik kami sa restaurant, nakakunot ang noo ni daryl na nakatingin saming dalawa ni jojo. Siguro nahalata na nya. Boyfriend ko si jojo at oo! Wala syang pakialam.
“sorry po kanina.” Nakayukong sabi ko, maya-maya pa pinagpatuloy na namin ang pagkain. Nawala na si atom dahil may importanteng lakad daw sya ngaun kaya maaga syang umuwi. Gusto ko na din sanang umuwi, kakamuhian ko sana ang araw na ‘to kung hindi lang dahil kay jojo.
Nakayuko lang ako. Ni, hindi ko magalaw ung pagkain ko dahil sa bigat ng nararamdaman ko ngaun.. Napansin kong nakatitig si Daryl sakin, hinarap ko sya. Gusto kong Makita nya na di ko nagugustuhan ang mga nangyayari. Umirap ako sa kanya. Naiinis ako sa kanya sobra! Di ko naman sya kilala. At di nya din ako kilala kaya bakit sya pumayag sa mga nangyari? Wala manlang syang sinabi para pigilan ang mga magulang namin.
“Mauna na kami kumpadre, maiingat kayo sa paguwi.” Sabi ni tito tapos nakipagkamay kay papa. Tinanggap naman nya un.
“Hija, Magiingat ka ha? Sana dumalaw ka sa amin minsan.” Nakangiting sabi ni tita sakin, ngiti lang din ang iginanti ko sa kanya. Pero, Hinding-hindi ako pupunta sa bahay ng daryl na yun.
Umalis na sila pagkatapos nun, tuloy-tuloy akong naglakad at padabog na pumasok sa kotse. Nasa unahan si papa at jojo. Nakatingin lang ako sa labas, nagsisimula na namang mamuo ang luha sa mga mata ko.
Fix marriage? Di ko alam na nageexist pa pala ang bagay na yun! Damn! Kung ikakasal man ako kay jojo lang, wala ng iba!
“Matututunan mo ding mahalin si Daryl anak.”
“No way Papa! I won’t” sabi ko tapos pinunas ang luhang tuloy-tuloy na kumakawala sa mga mata ko.