Chapter 7
Ilang araw ng ganun si jojo. Sobrang cold nya. Malamig pa sya sa yelo. Halos hindi ako pinapansin. I mean, Namamansin naman pero alam nyo un? Isang tanung-isang sago tang peg ng lolo nyo. Nakakabanas lang. “oo” at “hindi” lang ang isinasagot sa akin kapag nagtatanung ako. Gusto ko na syang hambalusin ng Christmas tree. Nakakabanas na talaga sya.
Wah! Halos sabunutan ko ang buhok ko. Parang may kulang sa systema ko kapag wala si jojo. Kapag hindi ko maramdaman ang presensya nya. Nakakainis lang! Ang cold nya sakin at sobrang namimiss ko na talaga ang banong ‘yun.
“rhea, andito ka pala kumain kana?” sabi ni atom habang papalapit sa akin. Hindi ko sinagot ung tanungn nya sa halip ay patakbo ko din syang nilapitan.
“si jojo?” tanung ko tapos nagtingin sa likod nya.
Nilagpasan nya ako tapos ay dumiretsyo sa kusina. “nagtext sakin, may lakad daw.”
Nanlaki ang mata ko. Si lanie? Sinong lanie? “san daw?”
“may dinner ata sila ni lanie.”
Nagpintig ang tenga ko sa nadinig. Dinner? Silang dalawa lang? Edi, hindi basta dinner yun! Date na yun. Napakagat-labi ako. Ang sabi ni jojo hindi sya makikipagdate. Alam naman nyang ayaw kong nakikipagdate sya eh! Kaya siguro sya nanlalamig sakin kasi may babae na syang nagugustuhan.
“rhea..” utas ni Atom.
“akyat nako.” Sabi ko tapos tumakbo sa kwarto ko, nilock ko ung pinto tapos hinawakan ko ung dibdib ko.
Bakit parang masakit? Parang pinipiga. Parang tinutusok ng karayom.
Tumalon ako sa kama ko tapos nagtalukbong ng kumot. Nakakainis na jojo! Mabuti pa si Atom pala—Ha! Napatayo ako bigla.
Kinausap ako ni Atom. Kinausap nya ako! Pero parang.. Shet! Sinampal-sampal ko ang sarili ko. Kinausap ako ng lalaking gusto ko pero si jojo lang ang nasa isip ko ngaun. Dammit rhea! Malala kana.
Niyakap ko ang tuhod ko tapos nagsimulang magimagine. Anu kayang ginagawa nila ngaun? Baka mamaya nyan yayain na nya si Lanie na maging girlfriend nya. Mas lalo syang mawawalan ng oras sa akin. Wah! Nakakainis naman eh.
Pinagbabato ko ung mga unan at kumot ko tapos nagpapapadyak sa kama dahil sa sobrang inis ko. Naghalo-halo na. Mix-emotion. Naiinis ako sa kanya at nababanas. Pero, Sobrang miss ko din sya.
Nagising ako kinabukasan ng wala na sya. Nauna na daw pumasok sabi ni papa. Bakit hindi nya ako ginising? Bakit hindi nya ako sinabay?
“Sinong maghahatid sakin?” saad ko.
Binalingan ako ni papa. “Nauna si jojo dahil may importante daw syang aasikasuhin sa school. Akala ko ba ayaw mong may nagbabantay sayo? Ayan na. Magisa kang papasok ngaun.” Saad nya.