Special Chapter 2

4.2K 81 4
                                    

Special Chapter 2

“are you ready for tomorrow?” tanung ni Daryl sa akin. Tumungo lang ako sa tanung nya. I honestly don’t know if im ready.

“kung ganun, magpahinga ka na ng maaga okey?” saad nya sakin. Binaling ko ang tingin ko sa kanya tapos ay ngumite. Aaalis na sana ako ng hatakin nya ako at gawaran ng mabilis na halik sa pisnge. Nanlaki ang mata ko pero lumunok na lamang ako ng madaming laway. Daryl is my fiancée now, anung masama?

Pagkapasok ko sa gate, agad kong natanaw ang kotse ni jojo sa labas, Alam kong sa kanya iyon. Alam na Alam ko. Binalot ako ng kaba ng maramdaman ko ang presensya nya sa loob. Inayos ko ang buhok ko at dahan-dahang pumasok sa loob ng bahay.

 

“Rhea, Andito kana pala.” Utas ni Atom sakin. Nakaupo sya sa sala habang nanunuod ng tv. Wala si jojo? Pero bakit nasa labas ang kotse nya?

“ah.. oo.. cge akyat na ako,” utas ko. Akmang paalis na ako pero muling nagsalita si Atom. “Si jojo nga pala, kanina kapa hinihintay. Ung susi daw ng kwarto nya.” Saad nya sakin. Kumabog ng malakas ang puso ko at awtomatik na inilibot ang tingin ko sa buong bahay. Napaangat ang tingin ko ng makita ko sya sa second floor, Nakasandal sya sa tapat ng pinto ng kwarto nya habang diretsyong nakatingin sa akin.

Nagwala agad ang systema ko sa mga titig na iyon pero I try to compose my self bago nagsimulang maglakad pataas. Alam na alam kong nakatitig sya sa akin habang naglalakad ako papalapit sa kanya. Nang nasa tapat na ako ng kwarto nya ay ibinaling ko na din ang tingin ko sa kanya.

“Hintayin mo nalang ako dito.. h..hahanapin ko lang.” utas ko. Sandaling hinintay ko ang tugon nya pero nakatitig lang sya sa akin. Pakiramdam ko ay pinagpawisan ako ng malamig, Ang mga titig ni jojo.. Ibang-iba talaga ang mga iyon, Hindi ko kaylanman makakalimutan. Nagiwas din ako ng tingin tapos ay nagmarcha na papuntang kwarto ko, Isasara ko na sana ang pinto ng madinig ko ang yabag nya, pumihit ako patalikod pero huli na kaya nakapasok na sya sa loob ng kwarto ko.

 

“jojo, sabi ko sa labas ka nalang.”

“Mas gusto kita hintayin dito.” Simpleng sabi nya pero nagtaasan agad ang balahibo ko sa katawan. Umiwas nalang ako at naglakad papuntang drawer matapos ay kinalkal iyon. Nanginginig pa ang kamay ko, Shet lang.

Nakita kong umupo sya sa kama ko, nilingon ko sya pero nagiwas din ako ng tingin ng makita ang pagtitig nya sa akin. May lungkot at pighati parin sa mga mata nya, kitang-kita ko iyon. Damn shit!

“Nagbago na ata ang ayos ng kwarto mo, pati ang design iba na.” saad nya sa akin.

“oo, hmm.. parang pambata kasi ung dati kaya.. anu.. binago ko na.” sabi ko. patuloy ko pading kinakalkal ang drawer, Nagitla ako ng makapa ko ang isang susi doon, Alam kong ito na ang susi na hinahanap ko. Napalunok ako.

i Fell Inlove with my BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon