Chapter 30

4.2K 75 2
                                    

Chapter 30

Bukas na ang balik ni papa, Si atom naman bukas na din daw. Mabilis na lumipas ang araw. Natapos ang foundation ng maayos, Nakikita ko si daryl na nakikipagtawanan sa mga classmate naming lalaki minsan, ni hindi ko sya matignan sa mata. Naguguilty ba ako? Pero, bakit naman kaylangan kong maguilty? Tsss.

Ni, hindi ko pa nasasabi kay jojo ung mga pinag-gagawa ni daryl sa school. Sa ngaun, pakiramdam ko nag lie low sya dahil sa naging confrontation namin sa room noong foundation week. Minsan naiilang ako kapag nasa classroom nararamdaman ko kasi ung presensya na nasa gilid ko lang, minsan nga nagaabang nalang ako ng oras para magbell na dahil pakiramdam ko natutusta na ako sa kinauupuan ko.

Minsan nagquiz kami at kaylangang magexchange ng papel sa katabi, nagaalangan akong ibigay sa kanya ung papel ko kasi baka hindi nya tanggapin, pero nagulat ako ng kusang hinablot nya ito sa sakin. Madalas ko syang nahuhuli na tumitingin sakin pero agad na nagiiwas ng tingin kapag sinasalubong ko ang mga titig nya.

Madalas na din sumasama samin si Allen. Maganda sya, mahaba ang buhok nya na bagsak tapos maputi sya at matangkad. Madalas sumasabay sya samin sa recess, naging kaibigan na din namin sya nila cheche at josie kahit na dati ay hindi ko maramdaman ung presensya nya kahit na magka-block mates kami.

Napatingin ako kay jojo na nasa tabi ko at tinuturuan ako tungkol sa topic namin kanina na hindi ko maintindihan, Nagtuturo sya pero lumilipad ang isip ko kung saan-saan at hindi ako makapagconcentrate.

“rhea, naintindihan mo?” tanung nya sakin, napatingin ako sa kanya. Tumango ako kahit na wala akong na-absurb na kahit anu sa mga sinasabi nya. Ngumese ako. Nakita kong kumunot ang noo nya.

“rhea, nakinig kaba?”

“o-oo”

“cge nga, anung sinabi ko?”

“A-anu.. ahmm. Ung pinagkaiba ng.. ahmm…” sabi ko tapos napakamot sa ulo, nakita ko kung panu tumaas ung kilay nya. Patay!

“anu ba kasing iniisip mo? Kanina pa ako daldal ng daldal dito tapos di ka pala nakikinig!” singhal nya sakin. Di ako makatakas sa mapanuring mga mata nya kaya nagiwas ako ng tingin.

“kasi.. ang dami eh. T-tsaka, naiihi ako teka lang!” sabi ko sabay takbo sa banyo nya.

Pagkapasok ko sa loob napahawakagad ako sa dibdib ko, ankng tokwa naman oo! Nilibot ko ung paningin ko sa loob ng cr nya. Ang linis, mas malinis pa sakin. Pumunta ako sa harap ng salamin doon, nakita kong naka organized ung lagayan ng shampoo nya, sabon, toothbrush pati na yung razor nya, Grabe! Ang organized nya talaga. Pumasok ako sa shower room nya. Iniimagine ko sya dun na naliligo ng… Gulp! Nakahubad habang dumadaloy ung tubig sa mukha nya pababasa sa leeg, dibdib, tyan pati sa…. Take! ERASE!

Lumabas ako sa shower room tapos bumalik ulit sa harapan ng salamin kinuha ko ung toothbrush nya tapos inamoy un.

i Fell Inlove with my BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon