Chapter 23
Mabilis na lumipas ung araw. Pagkagising ko palang, pumorma na ang ngiti sa mga labi ko, agad akong tumalon sa kama at tumingin sa calendaryo.
Oct 29 ngaun! My Birthday! 19 na ako beybe. Pumasok ako sa cr tapos naligo, pagkatapos kong magayos kinuha ko ung cellphone ko, maraming text message galing sa mga kaibigan ko at kamag-anak pero di ko na binasa un lahat, mabilis ang pag-scroll ko sa cellphone ko. isang pangalan lang ang hinahanap ko.. Napangiti ako, and there I saw..
From: Jojo Bano.
Happy Birthday Baby, Kiss ko mamaya huh? I love you.
Napangese ako ng malaki, tinignan ko ung oras ng text nya. 12am saktong pasok ng birthday ko. Si jojo talaga.. Bumaba na ako sa sala’s nakita ko si Atom at si jojo na nagaalmusal andun din si papa, nakangiti sya ng Makita ako.
“Happy Birthday anak!” bati nya sakin, niyakap nya ako at hinalikan sa pinsge. Ngumiti ako ng matamis..
“salamat papa” sabi ko tapos umupo na para magalmusal.
“Happy birthday rhea “ sabi ni atom tapos ginulo ung buhok ko, Sumimangot ako tapos hinawakan ung kamay nya at pilit na inaalis sa buhok ko. “Salamat..” sabi ko tapos ngumise..
Nagitla ako ng maramdaman kong may sumipa sa upuan ko sa ilalim ng table, Napatingin ako kay jojo na nakakunot-noong nakatingin sakin, Natigilan ako ng marealized na hawak ko pa pala ung kamay ni Atom. Agad ko ung binitawan ng Makita kong panu tignan un ni jojo,Nakng! Nagselos agad?
“Jojo, di mo babatiin ang bestfriend mo?” tanung ni atom sa kanya, nagkatinginan kami ni jojo, ningitian ko sya pero inisnaban nya ako. Noo ko naman ang kumunot ngaun.
“hindi.” Plain nyang sabi tapos humikab. Mukha syang puyat, alam kong inabangan nya talagang mag 12am para lang batiin ako, Mukhang tanga lang akong nakangiti kahit na nagsusungit sya sakin.
“may pasok kayo diba? Umiwi kayo ng maaga, magdidinner tayo sa labas..” sabi ni papa pero tuloy-tuloy lang sa pagkain.
“tayong tatlo?” tanung ko, Huminto si papa sa pagkain tapos tinignan ako.
“Hindi, may kasama tayo.” Seryosong sabi nya sakin. Napalunok ako bigla ewan ko kung bakit pero pakiramdam ko may kung anung pumitik sa puso ko, kinabahan ako bigla.
Nang matapos kaming kumain, nagpaalam na si atom para maunang pumasok ayaw na nya kaming isabay sa kotse nya pagkatapos ng nangyaring pagtangay namin sa kotse nya ng magdate kami. Pagkalabas namin ni jojo at ng makalayo na kami sa bahay hinawakan ko ung kamay nya napatingin sya sakin tapos ngumite ako. Pero nakatitig lang sya sakin. Nakakunot pa ang noo nya habang nakatingin sa kamay nyang hinawakan ko.
“Tsss.” Sabi nya tapos umisnab pa sakin, nagsimula syang maglakad pero di naman bumitaw sa kamay ko.