Chapter 9

6.1K 128 5
                                    

Chapter 9

 

Pagkagising ko wala na si jojo. Di manlang ang ginising? Umupo muna ako sa kama tapos nagmuni-muni. Napahawak ako sa dibdib ko. tsaka ko ginusot ang mga mata ko. Ang lakas padin ng tibok ng puso ko hanggang ngaun.

Halos hindi kasi ako makatulog kagabi habang magkatabi kami. Nalapitan kong nakikita ung mukha nya kaya hindi ko magawang pumikit. Shit lang.

Pagpasok ko sa kwarto ko dumiretsyo ako sa cr para maghilamos pero di pa ako nagbibihis, nakapadjamas padin ako. Tinignan ko ung sarili ko sa salamin. Kay jojo pa tong padjama na suot ko.

Pinamulahan ako ng mukha. Nadinig ko na naman ang nagwawala kong puso. Damn shit. Ito na naman.

Bumaba na ko sa kusina para kumain, Pagbaba ko doon Nakita ko agad si jojo na nakasuot ng apron at gulo-gulo pa ung buhok. Pinasadahan ko sya ng tingin. Napalunok ako tapos inilayo ang mata ko sa buhay na ulam na nasa harapan ko ngaun.

“Good morning baby! Kain na.” Aniya.  Napaawang ang bibig ko. Dapat sasagot ako ng ‘Good morning din’ kaso walang umusal na salita sa mga labi ko. Dammit. Anu ba ‘tong nangyayari sakin?

“rhea? Ayos kalang? Tulala ka.” Tanung nya sakin. “o..oo! ayos lang.” saad ko.

“mukhang puyat ka, nakatulog kaba?” tanung nya. Napalunok ako sa tanung nya. Tumungo-tungo lang ako kahit na ang totoo ay hindi talaga ako nakatulog dahil busy ako sa pagtitig sa gwapo nyang mukha. Shet na yan!

Naglakad na ako papunta sa table pero natapakan ko ung laylayan ng padjama ko kaya naman masusubsob sana ako kung hindi ako nasalo agad ni jojo.

Napayakap ako sa dibdib nya. Nanlaki ang mata ko. Shet! Nagwawala na ang mga paru-paru. Ligayang-ligaya sila. Bumilis pa ng sampung beses ang pagtibok ng puso ko. My Gosh! Baka lumabas sila sa dibdib ko.

“magingat ka nga! Ok kalang ba?” tanung nya sakin.

Nanlaki ang mga mata kong bumaling sa kanya. “jojo narinig mo ba?”

“ang alin?”

“di mo narinig?”

“ang anu nga rhea?” Aniya. Nakahinga ako ng mluwang, akala ko narinig nya yung tibok ng puso ko, mabuti nalang hindi..

 

“anu bang nangyayari sayo? Masama ba ang pakiramdam mo?” tanung nya sabay hipo sa noo ko.

Pagkadampi palang ng mainit nyang palad sa noo ko, automatic na napalayo ako agad. Para akong nakuryente. Shet!

 

“h-hindi n-naman, m-mahaba k-kasi ung padjama ko eh. Tignan mo.” Sabi ko tapos pinakita ung padjama ko sa kanya.

“HAHAHAHA. Oo nga no. oh sya sige, magpalit ka muna..” sabi nya tapos pinat ung noo ko.

i Fell Inlove with my BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon