Chapter 37

3.6K 65 2
                                    

Chapter 37

 

Literal na hindi ako nakatulog kagabi dahil sa nangyari samin ni jojo, ni hindi sya lumabas para maghapunan ng dumating na si atom. Wala din akong ganang galawin ang pagkain ko. iyak lang ako ng iyak. Naiinis ako sa sarili ko. wala akong kwentang girlfriend! Di ko manlang inisip ang mararamdaman ni jojo.

Tumingin ako sa wall clock sa kwarto ko. alas tres palang ng medaling araw. Kumuha ako ng unan tapos tinakip un sa mata ko. sobrang bigat ng pakiramdam ko ngaun, naiinis ako sa sarili ko, nafru-frustrate ako. Halo-halo na ang nararamdaman ko ngaun. Gusto kong magwala.

Pakiramdam ko may isang importanteng bagay na nawala sakin. Ang bigat sa dibdib.

but you still cheated. Shit lang! Hanggang ngaun tumatagos padin talaga sakin ung mga sinabing yun ni jojo,kahit alam kong di un totoo, parang ganun nadin ang kinalabasan dahil ginawa kong pakikipagdate kay daryl.

Ipinikit ko ang mata ko. Mahapdi na ito pero tuloy-tuloy padin ang pagagos ng luha at sa awa ng Diyos. Nakatulog naman ako kahit na tatlong oras lang.

Pagkagising ko nagayos agad ako ng sarili ko. Ihahatid kaya ako ni jojo ngaun? Break na ba kami? Di ko alam. Lumabas ako ng kwarto at naabutan ko si atom na nagaalmusal sa sala. Luminga-linga ako pero di ko Makita si jojo.

 

“kuya atom, si jojo?” tanung ko.

“Umalis na. Kanina pa.”

“anung oras?”

“mga 5am ata, maaga syang umalis eh.”

Nanikip muli ang dibdib ko,Gusto kong maiyak pero pinigil ko ang sarili ko dahil nakakahiya naman kay Atom. Pumihit ako patalikod at lumabas ng pintuan. Panay ang singhot ko at pagtingala sa langit para maiwasan ang pagpatak ng luha pero wala! Pasaway sila at patuloy pading naglalaglagan sa mga mata ko.

Pumara ako ng taxi at sumakay doon. Pagkarating ko sa school, pumasok agad ako sa room ko at umub-ob sa desk ko, panay ang sulyap ko sa cellphone ko pero walang text galing sa kanya.

Dumating na sila allen, josie at cheche maya-maya nagkukwento sila ng kung anu-anu pero lumilipad ang isip ko. Napatingin ako sa upuan ni daryl, wala pa sya hanggang ngaun! Kinamumuhian ko sya. Sana hindi na sya pumasok.

“Teka. Cr lang ako.” Sabi ko tapos tumayo na, Sinapo ko ang nook o dahil nakakaramdam ako ng pagkahilo. Mainit ang pakiramdam ko at mabigat.

Pagkalabas ko ng classroom, nagitla ako ng may biglang humila sa akin. Wala akong sapat na lakas kaya naisandal nya ako sa pader at ikinulong sa mga bisig nya. Inangat ko ang ulo ko at nakitang si daryl iyon. Agad na uminit ang ulo ko.

Pinandilatan ko sya ng mata tapos hinampas-hampas ko sya sa dibdib. “Anu ba! Bitawan mo ako!” saad ko pero hindi sya natinag, inangat nya ang ulo ko at tinitigan ako sa mata.

“sinaktan kaba ni jojo?” malumalay na tanung nya sakin. Lalo akong nainis sa tanung nya! Naiinis ako kay daryl! Kasalanan nya lahat, kung hindi nya ako bin-lackamail para idate sya sana maayos kami ni jojo ngayon. Tapos ito na naman sya ngaun! Shet lang!

but you still cheated. Damn! Ang akala ni jojo niloko ko sya! Nakakainis na daryl! Agad na dumaus-dos ang luha sa pisnge ko ng maalala ang galit na mukha ni jojo ng araw na yon. Nanlaki ang mata ni daryl at agad na pinunasan ang luha sa mata ko.

“Sh*t! Dapat di kita iniwan doon!” saad nya habang pinupunasan ang luha sa mata ko pero walang epekto iyon dahil sa bawat pagpahid nya ng isang butil ay agad na lalabas ang isa pa. Di na ata ako nauubusan ng luha.

“k..kasalanan mo *sniff* to!” singhal ko sa kanya tapos pinagpapalo ko ang dibdib nya. Tuloy-tuloy lang ang pagiyak ko. hinawakan nya ang siko ko pero di ako nagpatinag sa pagpalo sa kanya.

“bakit mo nagawa sakin to! Ba..kit! nakakainis ka! I hate you! I hate..you!” tuloy-tuloy ang pagiyak ko, pagiyak na napunta na sa paghagulgol, gusto kong ilabas lahat ng nararamdaman ko. Naiinis ako, nagagalit, nafrufrustrate sa sarili ko, nakakabanas! Gusto kong saktan ang sarili ko ngaun. Ang tanga ko! ang tanga ko!

“kala ko mahal mo ko! kung mahal mo ko di mo to gagawin sakin daryl!”

“Mahal kita.” Malamlam ang tono ng boses nya habang sinasabi un sakin. Tumingin ako sa kanya. May hinanakit sa mga mata nya.

“kung ganun.. bakit, Kung mahal mo ko.. di mo ko sasaktan daryl! Hindi.. hindi..” utas ko tapos patuloy sa pagiyak. Pasalamat ako at nasa bakanteng room kami ngaun.

Nanlambot ang tingin nya sakin. Kinuyom nya ang panga nya habang nakatingin sakin. Yumuko sya tapos pumikit ng mariin.

 

“I did that because I really love you.” Nanginginig ang boses nya habang sinasabi iyon. Panay ang hikbi ko habang nagaabang ng mga susunod nyang sasabihin. “im just so damn jealous.” Dugtong nya.

“Buong buhay ko rhea, wala na akong naramdaman kundi ang matinding pagmamahal ko sayo. Nakakatawa dahil sinimulan kitang mahalin kahit na hindi ka nga nakikipaglaro sakin noon. Putang-ina lang! Ang hirap mo naman masyadong abutin!” saad nya tapos tumawa ng kaunte kahit na alam kong peke iyon.

“Is it bad if sometimes I still hope that you’ll wake up one day and love me?” tanung nya habang nakatitig sa mata ko. Napaawang ang bibig ko. I don’t know what to say. Yumuko ako tapos kinagat ang labi ko.

Unte-unteng dumaus-dos ang bisig nya na nasa gilid ko, pinakawalan nya ako sa pagkakakulong doon tapos naglakad papuntang pintuan. Nakatakikod sya sakin, pero kitang-kita ko ang panginginig ng balikat nya.

 

“Dammit! Pain is everywhere.” Saad nya bago lumabas ng pintuan.

i Fell Inlove with my BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon