Chapter 29

4K 74 1
                                    

Chapter 29

Ngumese ako kay jojo ng Makita syang papalapit sakin. Sinundo nya kasi ako ngaun. Hinalikan nya ako sa pisnge tapos agad na hinawakan ang kamay ko. Sinundan ako ng tingin nila cheche at josie na halata pang kinikilig.

“sya pala ung boyfriend mo rhea.” Tanung sakin ni allen. Napatingin ako sa kanya, Nakangiti sya pero may something sa mga tingin nya. Nagkibit-balikat ako tapos tumungo lang sa kanya. Lumakad na kami ni jojo pagkatapos nun.

“san tayo pupunta?” tanung ko sa kanya ng makasakay kami sa taxi, nakita kong inayos nya ung suot nyang bonet tapos hinarap ako. Ke gwapo talaga ng boyfriend ko.

“date tayo.” Nakangeseng sabi nya sakin. Lumapad ung ngiti ko tapos tumango. “pero panu ung thesis mo?” tanung ko. Pinadausdos nya ung palad nya sa bewang ko para hapitin ako papalapit sa kanya.

“3 days nalang ang meron tayo babalik na sila dito. Tapos isang linggo pa akong wala kaya, gusto kong makasama ung baby ko.” sabi nya sabay halik sa noo ko. pinulahan ako ng mukha kaya nahampas ko sya sa braso ng di oras.

“aray naman!” reklamo nya tapos ngumuso pa, tumawa lang ako tapos yumakap sa kanya. Ilang minutong biaje ay nakarating na kami sa Rapid Park, Parang luneta park dito. Napakaganda ng paligid tapos napakalinis pa.

 

“whoah! Ang ganda!” sabi ko. di ko maiwasang mamangha sa nakikita ko. First time ko kasing makarating dito. Maganda pala. Iniharap ako ni jojo sa kanya tapos inalis sa mukha ko ung mga hibla ng buhok ko na nililipad ng hangin.

“ngaun kalang nakapunta dito? Tara kain tayo.” Sabi nya tapos hinawakan ang kamay ko nagpunta kami sa pinakamalapit ng restaurant na nakita namin dito, Japanese restaurant ito. Umorder si jojo ng pagkain habang ako naman patuloy pading sinusubay ang paligid.

Napatigil ako ng Makita kong titig na titig sakin si jojo.

“oh bakit?” tanung ko sa kanya. Tumawa sya ng mahina. Nasisilaw na naman ako sa puti at pantay-pantay nyang mga ipin. Hinawakan nya yung labi nya tapos umiling-iling sa harapan ko.

“hmmm. Wala. Parang ayoko na tuloy kumain,”

“huh? Bakit naman?” tanung ko. Dumating na yung waiter tapos inilapag sa harapan namin ung mga pagkain. Hmmm. Yummy! Kumuha agad ako tapos tinikman iyon. “whoah. Ang sarap!” sabi ko tapos pumalakpak pa sa karapan nya.

Napatingin ako ng jojo tapos napakunot noo, nakatitig lang kasi sya sakin.

i Fell Inlove with my BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon