Chapter 39

3.6K 66 2
                                    

Chapter 39

Gabing-gabi na ako nakauwi sa bahay. Pagdating ko sinalubong agad ako ni papa. Galit na galit sya. Wala akong ginawa kundi ang umiyak kahit na wala naman nakakaiyak sa sinasabi nya. Nakikinig si atom sa taas, alam kong naaawa sya sakin. Dammit!

“rhea, will you please stop crying?” utas ni papa sakin. Pinunasan ko ang luha ko pero patuloy padin ang pagagos noon. “Bakit kaba umiiyak? Di naman kita sinaktan at san kaba galing ha?” tanung nya sakin. Umiling ako tapos tumingin sa kanya. Tanging ang laman lang ng utak ko ay si jojo.. si lanie.. si daryl.. pati na ang nangyari at ang nadinig ko kanina..

“wala to papa. Masama lang ang pakiramdam ko. sorry po at ginabi ako,” pagsisinungaling ko, kumunot ang noon yang nakatingin sakin.

“Tinatawagan kita pero hindi ka sumasagot bata ka!”

“S-orry po, naiwala kop o ang cellphone ko.” Pagsisinungaling ko ulit, Dahil ang totoo sinadya kong iwan iyon doon.

Nilapitan nya ako tapos hinipo ang noo ko.

“Magpahinga kana may lagnat ka.” Utos nya sakin. Tumungo ako tapos umakyat na sa kwarto ko. Pagsara ko ng pinto sumandal agad ako doon tapos umiyak ng umiyak. Ang sakit-sakit. Ang bigat-bigat ng dibdib ko ngayon.

Nagpalit ako ng damit tapos nahiga sa kama, dinalhan ako ni atom ng pagkain at gamot sa kwarto. Ang buong akala ko ay tatanungin nya ako kung anu ang nangyari pero hindi.. wala syang binabanggit na kahit ano.

“Magpagaling ka.” Saad nya habang diretsyong nakatitig sakin. Tumagos ang titig na iyon sa kaluluwa ko. Parang may ibig sabihin ng sinabi nyang Magpagaling ka.

Ung  lagnat ko ba? O ung sakit ng puso ko? Di ko alam.

Pagkatapos kong kainin yon ay humiga na ako at umidlip. Masakit ang mata ko sa pagiyak, ayoko ng umiyak pa pero sobrang nafrufrustrate ako sa nangyayari.

Naalimpungatan ako bigla at napatingin sa orasan. Alas kwatro palang ng madaling araw, nakaramdam ako ng pagkauhaw kaya tumingin ako sa side table ko kung may laman pa ang baso ng tubog doon pero wala na, tumayo ako at kinuha un. Kahit na naghihina at nahihilo ako nagagawa ko pa namang maglakad papuntang pintuan.

Pinihit ko un. Nanlaki ang mata ko ng makitang nakatayo sa harapan ng pinto ko sa jojo. Nagsalubong ang mga mata namin, Nakaawang ang bibig nyang nakatingin sakin. Pati ako ay napatahimik. Common rhea! Kaharap mo na sya ngaun, Tsaka kapa nagkakaganyan.

“j-jojo..” nauutal kong saad, kinuyom nya ang panga nya at diretsyong tinignan ako sa mata.

“May sakit ka?” tanung nya sakin. Dahan-dahan akong tumungo. Gusto kong itanung sa kanya kung bakit kasama nya si lanie kanina pero natatakot ako, Parang ang layo-layo ni jojo sakin, na kahit gaanu ko ilahad ang kamay ko at di ko sya maaabot.

“san ka pupunta?”

“kukuha ng tubig.”

“ako na. pumasok kana sa loob.” Saad nya tapos kinuha ang baso ng tubig sa kamay ko at pumihit paalis. Napakagat-labi akong pumasok muli sa loob ng kwarto, Di nya manlang ba ako yayakapin?

Parang gusto ulit bumagsak ng mga luha ko pero kaylangan kong pigilan. Nakakapagod na. Namimiss ko ang yakap ni jojo, Namimiss ko ang mga halik nya. Di ko na alam. Mababaliw na ata ako. Maya-maya pa, narinig ko ang pagkatok nya sa kwarto ko at binuksan iyon, May dala-dala syang tubig. Inabot nya yun sakin tapos ininom ko naman, Sandaling nagkalapat ang mga kamay namin. Ang mainit na kamay ni jojo. Ramdam na ramdam ko na naman.

Umambang iinumin ko ung tubig na binigay nya. Naubos koi yon at inilapag sa lamesa.

“Asan ka kanina?” tanung nya sakin. Ramdam na ramdam ko ang panlalamig sa boses nya. Lalo ko gustong maiyak.

“s-sa school mo.”

“Anung ginagawa mo doon?” tumingin ako sa kanya. Diretsyo ang tingin nya sakin.

“jojo, gusto kong magusap tayong dalawa. Gusto ko lang magsorry.” Saad ko. Napakagat labi sya tapos nagiwas ng tingin. Hinawakan ko ang kamay nya dahilan para mapatingin sya sakin.

“Di mo naba ako mahal jojo?” tanung ko sa kanya. Umiwas sya ng tingin sa akin. Sumikip ang dibdib ko. Bakit ayaw nyang sumagot? Bakit? Bakit?

“jojo mahal mo paba ako!?” napataas ang boses kong tanung sa kanya. Hanggang ngayon ay di pa din sya nagsasalita. Nakatitig lang sya sakin habang diretsyong dumadaloy ang luha sa mga mata ko, Pakiramdam ko nag-eenjoy syang nakita ang mga luhang naguunahan sa pagdaloy doon.

“M-mahal m-mo p-pa ba a-ako j-jojo?” pumiyok ang boses ko at nagsimulang umiyak. This can’t be. Bakit ayaw nyang sumagot? Panu nalang kung di na nya ako mahal? Pwede ba yun? Buong buhay nya minahal na nya ako. Pwede bang mawala pa yun? Pwede paba syang mafall-out?

“you cheated.” Nanlaki ang mata ko.

“d-di kita niloko..” halos pabulong nasabi ko dahil matindi ang pagiyak ko.

“matulog kana.” Sabi nya tapos hinugot ang kamay nya sa kamay ko.

Naglakad sya patalikod sakin.

Nahulog ang puso ko, Pakiramdam ko inapakan at sinipa-sipa nya yun, Nabibigat ang mga sunod na luhang pumapatak, mga luhang may dala-dalang sakit at pighati.

Panghihinayang at Pagsisisi.

Tumingin ako sa kanya. Gusto ko syang habulin pero nanghihina ang tuhod ko at di ako makatayo.

“Jojo!” sigaw ko. Di sya lumingon pakiramdam ko di nya ako nadidinig.

“J-jojo.. please..” lalo akong naiyak, Nakita kong napabuntong-hininga sya pero di padin sumasagot.

Pinunasan ko ang luha ko at nilunok kong anu man ang nakabara sa lalamunan ko para makapagsalita ako ng malinaw at maayos. This is my last chance, I want him to hear this.

“Kapag lumabas ka sa pintuang yan, There’s no turning back jojo.” Matapang kong saad.

i Fell Inlove with my BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon