Chapter 44
Wala ako sa sarili ng sunduin ako ni papa. Tulala ako at hindi nagsasalita. Wala si Atom pero halos hindi ko napansin iyon. Halos tulala lang ako buong biaje. Pilit kong pinaprocess sa utak ko ang mga sinabi ni jojo sakin.
“Sana tinanggap mo nalang ang engagement.”
“you know what, habang pinagmamasdan ko kayo kanina.. I realized something, I realized that the distance between us slowing fading away. The promise that we share looks like it disappear now.”
“your really good at troubling me..”
I can’t believe it. Pagkatapos ng lahat-lahat? Ganun-ganun nalang pala iyon. Binatawan nya ako ng ganun nalang? Pagkatapos kung ipaglandakan sa buong mundo na mahal ko sya? Pagkatapos ko syang piliin? I cant believe this. What is really happening? Gusto kong i-untog ang ulo ko sa matigas ns semento para matauhan ako.
Humiga ako sa kama ko tapos ay pinikit ko ng madiin ang mga mata ko. Walang patid ang pagtulo ng luha ko ngaung gabi. Hindi sila maubos-ubos.. kinuha ko ung cellphone ko at muling binasa ung mga text nya kanina. Napahawak ako sa bibig ko tapos gumagulgol ulit sa pagiyak. Jojo is so far away.. I can’t breath..
Ilang beses kong dinaial ang cellphone nya pero hindi nya ito sinasagot. Hindi sya sumama samin pauwi, kanina habang paalis ako, nakatalikod lang sya sakin. Gusto kong yakapin sya pero naghihina ang katawan ko. Naubos ang lakas ko dahil sa mga sinabi nya. Nawalan ako ng lakas, Gusto ko syang makasama. Nangako sya sakin pero sya ang bumibitaw sa akin ngaun. Tinutulak nya ako palayo. Jojo Why?
Dumating ang kinabukasan. Masakit nang idilat ko ang mga mata ko, Pagkatingin ko sa wall clock ko, Alas dos na pala ng hapon. Pumunta ako sa cr at naligo, dahan-dahan akong bumaba para tignan kong andoon si jojo sa salas, umaasa ako ng maabutan ko sya doon ung maaliwalas nyang mukha, ung ngiti nya. Ung mata nya.. Lahat-lahat sa kanya. Mabigat ang mga hakbang ko pababa, Nanikip ang dibdib ko nang si papa lang ang naabutan ko doon. Nakakunot ang noon yang tumingin sa akin.
“let’s eat.” Utos nya. Wala syang sinasabi na kahit anu pa pero batid kong galit sya sakin dahil sa mga nangyari.
“si atom at.. jojo po?” Nangangatal na tanung ko. ibinaba nya ang kubyertos nya at diretsyong tumingin sa akin.
“Hindi umuwi si atom kagabi at si jojo..” utas nya. Napalunok ako. “hindi na sya uuwi dito..” dugtong nya. Napaawang ang bibig ko. Agad akong napatayo sa upuan ko. Nagsisibagsakan na naman ang mga luha.