Chapter 3
“san ka pupunta?” tamad na tanung ko kay jojo, Nakahiga ako sa kwarto nya ngaun. Sobrang dinadalaw ako ng katamaran ngaung araw. Nakita kong maayos ang pananamit nya tapos ang bango-bango pa nya.
“sa kaybigan ko, birthday nya ngaun eh, nainvite ako.. anong gusto mong pasalubong?”
“si atom.”
Seryoso nya akong tinignan tapos inirapan.
“joke! Ice cream. HAHAHAHAHA.”
“ok alis na ko.. kiss ko?” Nakangiting saad nya sakin. Napatingin ako sa gwapo nyang mukha. Naglakbay ang tignin ko doon papunta sa mapula nyang labi. Umiling-iling ako. Shet! Nagkakasala na talaga ako dahil pinagnanasaan ko ang bestfriend ko.
Lumapit ako sa kanya tapos hinalikan sya sa labi. Napalapit ako sa kanya kaya sobrang amoy na amoy ko sya. Kumunot naman ang noo ko.
“bakit?” tanung nya sakin.
“hindi kaya masyado kang mabango? Dapat pagdating mo ganyan padin ang amoy mo ha? Kapag hindi, Ibig sabihin may kaharutan kang babae.” Saad ko. Napatawa naman sya sa sinabi ko.
“ayaw mong may kaharutan akong ibang babae?”
“oo naman! Geez. Wag mong sabihing makikipagharutan ka talaga? Ang landi nito!” sabi ko sabay hampas sa dibdib nya. Ang tigas. Wah!
“HAHAHAHA. Hindi na. Hindi ako makikipagharutan sa iba. Basta harutin mo ako pagdating ko ha?” sabi nya. Namula naman ako doon. Kaya hinampas ko sya lalo.
“Ewan ko sayo! Bwisit! Lumayas ka na nga!” saad ko. Natatawang umalis sya sa kwarto pagkatapos noon.
Wala akong planung umalis sa kwarto nya, Mas gusto ko ang kwarto ni jojo. Sa di ko malamang dahilan, Sobrang komportable ako dito. Hindi magulo ang kwarto nya, Sobrang linis at sobrang organized ng gamit dito, Hiyang-hiya naman ako sa kwarto kong parang kulungan ng baboy.
Lumapit ako sa cabinet nya tapos ay binuksan iyon. Tumambad sakin ang mgadamit nya, Kumuha ako ng isa doon at isinuot iyon, Humarap ako sa salamin tapos umikot-ikot. Masyadong malaki sakin ang mga damit nya. Itinali ko ang buhok ko tapos hindi na hinubad ang damit nya,
Inamoy ko iyon, Ang bango. Iba ang amoy ni jojo. Nakakaaddict!
Pumunta ako sa study table nya, Nakita ko ang pictures doon. Ung isang picture frame, Nung mga bata pa kami. Ung isa naman, Picture nila kasama si tita at tito, tapos ung isang picture.. Picture ko?
Kinuha ko iyon tapos iniscan. Picture ko ito nung 6 years old palang ako. Mahaba ang kulay brown kung buhok, Nakabistida ako ng kulay pula tapos naka summer hat, Nakangiti ako sa Camera habang nasa background ko naman ang dagat. Nag bakasyon kami nito sa tagaytay noon. Ito ang picture na sinned ko kay jojo noon, Dapat kasi kasama sya pero nagkasakit sya ng araw na iyon kaya naiwan sya sa maynila.