Chapter 45

4.1K 62 7
                                    

Chapter 45

Bukod sa Madaming araw kong pagkakaabsent, Umabsent pa ako ng tatlong araw pa dahil sa pagkakasakit ko. Kaya heto ako ngaun at naghahapit ng lesson para hindi ako bumagsak sa darating na final exam. Final sem ko na sa pagiging 3rd year ngaun, tapos next year fourth year na ako kaya hindi ko matatanggap kong magkakabagsak pa ako.

 

“Rhea, ito naman ang gawin mo.” Utas ni Daryl sakin. Inabot ko ang librong hawak-hawak nya. Napakamot ako ng ulo.

“Daryl, di ko to maintindihan.. panu ba?” tanung ko, lumapit sya sakin tapos sinimulang ituro ang nakasaad sa libro. Napasinghap ako ng nakita kong gaano kalapit ang mga mukha namin. Napatingin ako sa kanya. Dire-diretsyo lang sya sa pagsasalita.

“naintindihan mo ba? Common sense lang rhea.” Utas nya sakin. Nagiwas ako ng tingin ng magtagpo ang mga mata namin. Napakagat-labi ako. Hindi ko maintindihan. Jojo where are you? Dapat ikaw ang nag-eexplain nito sakin..

“Di ko padin maintindihan.” Walang ganang utas ko. Narinig ko ang buntong hininga bago bumaling sakin.

“panu kaba ituitor ni jojo dati? Para magawa ko din sayo.” Seryoso ang mga mata nyang nakatitig sakin. Nanlaki ang mata ko pero agad din akong yumuko at nagiwas ng tingin.

“baliw ka.” Utas ko.

Pagkatapos ng tuitor na iyon, hindi padin pumapasok ang lahat sa utak ko kahit na ulit-ulitin ko ang pakikinig sa kanya. Para bang ang bawat salita lang ni jojo ang iniintindi at dinidinig ng isip ko. Pumasok ako sa kwarto ni jojo tapos hinaplos ang kama nya. Bumuntong-hininga ako tapos humiga doon. Kinapa ko ang leeg ko kung saan nakasabit ang kwintas na ibinigay nya sakin. Anu kayang ginagawa ni jojo ngaun? Masaya kaya sya? Napapikit ako ng mariin, wala akong ideya kung anu nang nanyayari sa kanya. Sobrang miss ko na talaga sya. Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang pagiyak.

Nung nag-gabi na bumaba ako para maghapunan. Nakita ko si atom sa salas na nanunuod ng TV. Nagring ata ang cellphone nya kaya tumayo sya para sagutin iyon.

“Hello..Who’s—Jojo?” Nanlaki ang mata ko sa nadinig. Tama ba Jojo? Agad ko syang pinuntahan ng umakyat si papa sa kwarto. Naabutan ko sya sa garden.

“Yeah. She’s okay. Dammit! Siguraduhin mo lang na uuwi ka dito after two years. “

“Sh*t! Hell yeah! Of course she cried.”

“Anung tingin mo sakin katulong? Kung gusto mong bantayan sya bakit ka umalis!”

i Fell Inlove with my BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon