Chapter 25

4.5K 84 11
                                    

Chapter 25

 

Pagkauwi namin sa bahay agad akong dumiretsyo sa kwarto ko, hinubad ko ung suot kong sandals at humiga sa kama at umiyak. Napahawak ako sa necklace na binigay ni jojo sakin. Kahit hindi sabihin ni jojo, alam kong nasasaktan sya. Si jojo na wala ng ginawa kundi ang mahalin ako.. pakiramdam ko tuloy I don’t deserve him.

Kinuha ko ung cellphone ko tapos nagsimulang idial ang number nya magkatabi lang kami ng kwarto pero kaylangan pa naming magtawagan para lang makapagusap ng matagal, kaylangan pa naming pumunta sa ibang lugar para lang makapagdate, kaylangan pa naming magtago para mayakap ang isa’t-isa. Napapikit ako ng madiin. Ang hirap ng set-up naming ni jojo.. Sobrang hirap..

“Hello.” Narinig kong sabi nya sa kabilang linya, tinakpan ko ung bibig ko gamit ung isa kong kamay. Kumikirot ang puso ko dahil sa nangyayari saming dalawa ni jojo.

“jojo, im sorry.” Halos pabulong kong sabi, Matagal na katahimikan ang narinig ko sa kabilang linya. Akala ko ibinaba nya na ang tawag pero hindi. Talagang hindi lang sya nagsasalita.

“rhea, just promise me.. you won’t fall inlove with him.” Nahina ang boses nya sa kabilang linya.

“oo jojo.. I promise.” Sabi ko. Pinunasan ko ung luha samga mata ko.

This is great! Just great. The best birthday gift ever. Nang matapos ung tawag itinago ko na ung cellphone ko dahil hindi ko na kayang marinig ung boses nya na nahihirapan, parang pinipilipit ang puso ko. kung ganito ang nararamdaman ko ngaun, panu pa kaya sya? Panu pa kaya si jojo?

Pumunta ako sa cr para maghilamos, nagpalit ako ng pantulog tapos humarap sa salamin. I can’t believe this is happening to me. Hinawakan ko ung kwintas na binigay ni jojo sakin, ilang beses ko pa ba sya masasaktan?

Hinila ko ung drawer doon at nakita ang kwintas na ibinigay sakin ni Daryl, kumunot ung noo ko ng Makita ang letter ‘D’ na pendant noon. Ngaun alam kona, D is for Daryl. Napangiti ako ng mapait, I will never wear this necklace.

Kinuha ko ung box ng bracelet at inilagay yun doon,  ilalagay ko sana un sa pambalot ng matigilan ako dahil may maliit na sulat iyon sa bandang ibaba.

To: Mrs. Andrea Ramos-Enrique

Nilukot ko yun tapos tinapon sa basurahan. Humiga ako sa kama ko kahit na di ako makatulog, mahapdi na ang mga mata ko pero para bang ayaw nitong matulog. Patuloy padin ang papatak ng mga luha. Kinuha ko ung throw pillow ko tapos itinakip sa mata ko. And thanks God. Nakatulog naman ako kahit na tatlong oras lang.

i Fell Inlove with my BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon