Chapter 26
5pm na ng makalabas ako ng school. Sinabi ko pa naman kay jojo na 4pm ang labas ko, kinuha ko ung cellphone ko tapos denial ung cellphone nya pero hindi nya un sinasagot. Ibinaba ko un tapos pumara ng taxi pauwi sa bahay.
Sumandal ko sa bintana tapos tinatanaw ung ibang sasakyan habang nasa loob ako ng taxi. Inilagay ko ung kamay ko sa baba ko tapos kinusot ang mga mata ko. Matamang bumalik sakin ang mga sinabi ni Daryl kanina.
Bata palang ako, Minahal na kita.. totoo ba un? So totoo nga ang sinabi ni papa, mga bata palang kami pinagkasundo na kaming dalawa. Si Daryl, naging invisible pala sya sakin noon. Hindi ko sya nakikita. Ni, hindi ko nga alam na nageexist pala sya.
I feel guilty. Alam kong hindi ito dahil I feel sorry dahil wala akong kakarampot na maibibigay sa kanya kundi, isa pala syang bata na gusto akong lapitan pero hindi nya magawa dahil naglagay agad ako ng boundary sa pagitan namin. We started at the wrong foot. Kung nalaman ko ‘to agad ng walang pakikipagsundong naganap, Maaaring mabigyan ko sya ng pagkakataon para maging magkaibigan kami.. Kaya lang.. iba ang sitwasyon ngaun, Gusto nng mga magulang naming na ipakasal kami, pati sya…
“manong dito nalang po.” Sabi ko tapos bumaba sa taxi, naglakad ako papasok sa subdivision namin. Hinahalungkat ko ang bag ko ng makitang nasa labas si jojo at may kausap na isang babae. Ngiting-ngiti pa sya tapos may hawak na folder. Lumapit pa ako ng kaunte para Makita kong sino un, Napakunot ang noo ko ng makitang si Lanie iyon.
“Ehem.” Umubo ako kunwari, natigilan sila at napatingin sakin. Nagbeso sakin si Lanie. Ngumite ako sa kanya. Lumipad ung kamay ni jojo sa bewang ko. nakita kong napatingin si lanie doon.
“H-hm.. una na ako jojo, napadaan lang naman ako para ibigay yan sayo. Sige rhea. Bye jojo.” Sabi nya tapos nagbeso pa ang dalawa. Nagiwas ako ng tingin tapos itinaas ko ung isa kong kilay.
Umalis na si Lanie pagkatapos nun, Hahalikan sana ako ni jojo sa pisnge ng umiwas ako tapos pumasok na sa loob ng bahay. “Hey! Muntikan na ako masubsob.” Natatawang sabi nya tapos sumunod sa loob ng bahay.
Nagtaas ako ng kilay habang nakatingin sa kanya. Pinasadahan ko sya ng tingin mula sa buhok nyang blonde na gulo-gulo pa, tapos sa mapupungay nyang mata, sa matangos nyang ilong tapos sa mapupula nyang labi na lalo pang naging pula, bumaba ang tingin ko sa katawan nya, nakasando pa sya tapos shorts. Nakipagusap sya kay Lanie ng ganyan ang itsura? Malandi din ‘tong taong to.
“Tapos kana titigan ako?” nakangeseng sabi nya. Umirap ako sa kanya. “Asa ka naman!” sabi ko tapos lumapit sa kanya para sana hampasin sya ng bag ko pero nahawakan nya yun at inihagis sa sofa. Napatingin ako dun. What the? Gamit nya yan? Kapal huh! Tinignan ko sya ng masama tapos sumimangot.