Chapter 22
Magkahawak kamay kaming umuwi ni jojo pagkatapos nun. Noong nakarating na kami sa tapat ng bahay, napatingin kami sa isa’t-isa at tsaka nya binitawan ung kamay ko. kumunot ung noo ko, pero naalala ko nga pala ung deal namin. Hindi pwedeng malaman ni atom. Lalong-lalo na si papa. Ngumite sya sakin tapos bumulong.
“galingan mo umarte.” Sabi nya. Napangiti ako.
“oo naman! Ako pa.” sabi ko. pumasok na kami pagkatapos nun, naabutan naming si atom sa salas na hawak-hawak padin ang cellphone nya. Umakyat ako sa kwarto tapos nagbihis na. pagkatapos kung magbihis naramdaman kong nagvibrate ung cellphone ko kaya kinuha ko un.. napangiti ako at napatalon sa kama ng nakita ko ang pangalan ni jojo sa screen.
From: Jojo Bano.
Baby, mas assignment ka?
Agad akong nagisip, wala akong assignment. Pero.. pwede ding meron.
To: Jojo Bano.
Meron.
Mukha akong baliw, wala naman talaga akong assignment pero gusto ko lang makasama si jojo. Maya-maya narinig kong may kumatok na sa kwarto ko, agad akong tumakbo at binuksan un. Bumungad sakin ang gwapo at kulay blonde na buhok ni jojo. Pinapasok ko sya sa loob. Nilabas ko lahat ng notebook ko at naghanap ng pwedeng gawin. Shit. Wala talaga akong assignment. Wala bang pwedeng iba?
Umupo si jojo sa sofa sa kwarto ko. narinig kong tumawa sya ng malakas.
“HAHAHAHAHAHA. Wala kang assignment no?” pangaasar nya sakin. Unte-unte ko syang nilingon.
“M-meron kaya.. wait lang..” sabi ko tapos tinuon ko ulit ung paningin ko sa notebook ko. Damn! Napaghahalataan ako..
“Oh? Asan na ung assignment mo?” nangaasar ang tono nya sakin..
“Meron! Ito ohhh!” sabi ko, lumapit ako sa kanya tapos binigay yung notebook ko, nakita kong inis-scan nya yun.
“intimate..” sabi nya, napatingin ako sa kanya.
“hmmmm?” tumingin sya sakin tapos ngumise. “ito ung assignment mo?” tanung nya sakin, kinuha ko ung notebook ko tapos binasa ung nakalagay doon. Nanlaki ung mata ko.
How to be intimate?
Damn! Bakit may ganito sa notebook ko, lumipad ung palad ko sa noo ko ng marealized na ito nga pala ang topic namin sa HUMA.
“hindi.. h-hindi naman i-to yun eh..” nakanguso kong sabi tapos hinalungkat ulit ung notebook ko. narinig ko ang malakas na pagtawa ni jojo sa kwarto ko, nakahawak pa sya sa noo nya at sa tiyan.
“Damn rhea! Para-paraan lang para makasama ako ah!” sabi nya. Pinamulahan ako ng mukha. Tapos hinampas ko sya sa balikat.
“Kapal mo! Hindi kaya! Lumayas ka na nga dito! Tapos ko na pala gawin ang assignment ko!” sabi ko sa kanya. Sumeryoso ang mukha nya tapos hinapit ang bewang ko, napahawak tuloy ako sa dibdib nya.. Oh shemay!
“mahirap ipaliwanag eh, ipapakita ko nalang sayo..” nakangeseng sabi nya. Nanlaki ung mata ko tapos niyakap nya ako..
“hugging is a sign of being intimate..” Niyakap nya ako ng mahigpit, ibinaon nya ung ulo nya sa leeg ko tapos hinalikan un, nagsitaasan ang balahibo ko sa katawan, “I love your smell..” sabi nya tapos tinitigan ako sa mata. kinuha nya yung kamay ko at ni-lock sa kamay nya.. “holding hands is a sign of being intimate too..” sabi nya.. nakatitig lang ako sa kamay namin.