Chapter 49
Pinagpawisan ako ng malamig dahil doon. Automatic na napaakyat ako sa kwarto ko, malakas ang kabog ng dibdib ko. Nasa labas si jojo kausap nila papa, atom at ng iba pang bisita. Ni hindi ko sya nilingon. Ni hindi ko nakita ang itsura nya. Dammit! Relax rhea. Chill. Anu ba, kumalma ka!
Huminga ako ng malalim tapos tumingin sa salamin. Di dapat ako magpaapekto, im better now! Sya ang nangiwan sakin kay kung may dapat mang kabahan dapat sya yun. 2 years passed, at sa loob ng dalawang taon na iyon. Nakaya kong magisa, nakaya ko. ngaun paba ako uurong? Dapat ipakita ko sa kanya na kaya ko, Na kaya ko ng wala sya sa buhay ko.
Nagbihis ako ng damit bago lumabas, Ngaun nakared dress at nakawedge na ako, nilugay ko na din ang usually na nakabraid kong buhok. Lumakad ako papuntang garden na para bang walang nangyari. Smile rhea, Smile!
“oh, andyan na pala ang birthday girl, san ka galing?” nadinig kong sigaw ni allen. I bet pinaparinggan nito si jojo. Ngumite ako tapos kumaway sa kanila.
“Nagpalit lang ako.” Utas ko tapos umupo sa table katabi si Daryl, kitang-kita ko sa peripheral vision ko na nakatingin sakin si jojo, nanlamig ang buong systema ko pero I can pretend, I nedd to. Sa loob ng dalawang taon natuto akong maging malakas at maging matatag. Im not the same rhea as before, im not.
Nagpatuloy ang kasiyahan, panay ang tawa ko kahit na alam kong may matang nakatingin sa akin ngaun. Pero di ako nagpatinag I still act normally.
“Rhea, sino ung blonde na babaeng kasama ni jojo?” tanung ni cheche. Kumunot ang noo ko, may kasama sya? Nilingon ko sila and there I saw, kasama nya nga ung Bernadette. May namuong kung anu sa lalamunan ko pero nilunok ko agad iyon. Nagtama ang tingin namin ni jojo pero agad kong iniwas ang tingin ko.
“I don’t know. Girlfriend maybe?” utas ko tapos nagkibit-balikat. Napatingin ako ng kalabitin ako ni Daryl. “you okay?” tanung nya sakin. Ngumite ako tapos ay tumango.
“oo naman! Anu kaba.” Utas ko.
“Kung ganun, pumunta tayo sa table nila tito. Tinatawag tayo.” Saad nya sakin. Napakunot noo ako. Nasa iisang table kasi sila papa, tito, tita, atom, kei, jojo and.. Bernadette. Naglunok ako ng madaming laway pagkatapos ay tumayo.
Hinawakan ni daryl ang kamay ko, hinayaan ko lang iyon. Habang naglalakad kami papunta sa table nila ay malakas ang kalabog ng puso ko sa bawat hakbang ko, Ilang hakbang nalang at malapit na ako sa kanya.