Chapter 38

3.6K 63 4
                                    

Chapter 38

 

Iniwan akong tulala ni daryl sa bakanteng room na yon. Nakatitig lang ako sa pintuan habang tuloy-tuloy na dumadaloy ang luha sa mukha ko. pumikit ako ng mariin at pinahid iyon. Sa sobrang bigat ng nararamdaman ko ngaun. Pakiramdam ko magkakasakit ako.

Pumasok ako sa room ng maga ang mata, nakayuko pa ako para di nila mahalata. Pagpasok ko saktong dating ng professor namin at nagturo. Napatingin ako sa upuan ni daryl, hindi pala sya pumasok. Kinuha ko ang cellphone ko at sinimulang itext si jojo.

To: Jojo Bano.

Jojo. Im sorry. Alam ko galit kapa. Magusap naman tayo ulit.

Pagkatapos kong isend un, Naghintay ako ng reply, isang minuto, dalawang minute, tatlong minuto… sampung minuto.. napayuko ako. Habang nagtuturo si sir ay parang gustong kumawala muli ng luha sa mga mata ko. 30 minutes na akong naghihintay ng reply pero wala. Lalong bumigat ang nararamdaman ko. itinaas ko ang kamay ko at nagexcuse na masama ang pakiramdam ko at kaylangan ko ng umuwi. Pumayag naman si sir basta nag bibigay ako ng excuse letter.

Pumunta ako sa cr pagkatapos nun. Dina-ial ko ang number ni jojo pero hinid nya ito sinasagot. Lalo akong naiyak. Tinakpan ko ang bibig ko para di ako madinig sa labas, andito kasi ako sa cubicle ngaun. Bakit ganito? Bakit ganito? Miss na miss ko na si jojo.. Sobra-Sobra.. Gusto ko na ulit sya mayakap, Please. Jojo.. Come back to me.. patuloy ang pagtulo ng luha na parang walang bukas, masakit sa dibdib, Nakapagtatakang kagabi pa ako umiiyak pero hanggang ngaun at hindi pa ito nauubos.

Madiin kong pinunasan ko ang luha ko at pumara ng taxi sa labas.

 

“Sa Anderson University po.” Saad ko. Pupunta ako sa school ni jojo, ako mismo ang pupunta sa kanya. Di ko na kaya pa ‘to. Lulunukin ko na lahat ng pwede kong malunok. Kahit gaanu pa kalaki iyon. Kahit gaano pa Kalaki ang nakabara sa lalamunan ko.

Ilang minuto ng biaje ay andun na kami. Binigay ko ung bayad ko sa driver at lumabas nang taxi. 3pm na ng hapon. Maya-maya lang ay alam kong uwian na nya. May iilang studyante na nasa labas na at pinatitinginan ako dahil siguro taga iba akong school. Lumunok ako tapos umupo sa isang bench doon. Di ako pwedeng pumasok sa loob ng university dahil wala akong ID.

Kinuha ko ang cellphone ko at sinimulang  itext si jojo.

i Fell Inlove with my BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon