Chapter 27

4.4K 87 5
                                    

Chapter 27

 

Bumaba na kami pagkatapos nun, inakay nya ako sa lamesa para kumain, nakatitig lang ako sa mga pagkaing inihanda nya.

“ikaw ang nagluto nito?” tanung ko. Tumango sya tapos dinilaan ung labi nya.

“oo naman! Kain na bilis.” Sabi nya tapos nilagyan ng kanin at adobo ung pinggan ko, kinain ko naman un.

“masarap?” tanung nya. Tumungo-tungo lang ako. Aba’y di ko alam na masarap palang nagluto ang lalaking to. Nung matapos kaming kumain, kinuha ko na ung mga pinggan tapos inilagay sa lababo para hugasan. Nagsasabon ako ng plato ng maramdamang umakap sakin si jojo patalikod, ibinaon pa nya ung mukha nya sa leeg ko.

 

“Jojo naman, alam mo bang hindi ako maka-kilos ng maayos kapag naglalandi ka ng ganyan?” sabi ko sa kanya. Binanlawan ko na ung huling baso na hawak ko,kunti lang naman kasi ang hugasin dahil dalawa lang naman kami ni jojo dito na kumakain. Pinunasan ko ung kamay ko tapos humarap sa kanya.

Niyakap nya ako tapos hinalikan sa buhok. “After one week, ako naman ang aalis” sabi nya sakin. Napabitaw ako sa kanya ng wala sa oras.

“san ka pupunta?”

“Kaylangan naming pumunta sa Tagaytay kasama ung mga ka group ko sa thesis, meron nalang kaming 3 weeks bago magdefense.” Kumunot ang noo ko.

“Sino-sino kayo? Tsaka bakit kaylangan sa Tagaytay pa?”

“Andun ung bahay bakasyunan ng classmate ko, naisip namin na doon gumawa since tahimik, binigyan kasi kami ni isang linggong bakasyon para maasikaso un. Apat kami. Ako, si Geof, si Rick pati si…. Err…” Huminto sya tapos napakamot sa ulo.

“si lanie.” Dugtong ko. Tumango sya, Bumitaw ako sa kanya tapos tuloy-tuloy na naglakad papuntang salas.

Umupo ako sa sofa, naramdaman kong tumabi sya sakin tapos inakbayan ako.

“hoy!” kalabit nya sakin.
“Teka, nagiisip ako!” sighal ko sa kanya. Narinig kong napatawa sya tapos hinapit ako para yakapin. Talagang kasama si Lanie? Si lanie lang ang babae? May gusto si lanie kay jojo diba? Tapos isang linggo pa sila doon. Delikado ata yun.

“joj—“ itinaas ko ung ulo ko para sana harapin sya pero nagulat ako ng salubungin nya ako ng halik. Nanlaki ung mata ko pero ito na naman ako at di ko sya magawang maitulak. Nakakainis. Bumitaw sya sakin tapos tinitigan ako sa mata.

“di mo kaylangang magselos kay lanie, Dapat ako pa nga ang kabahan.” Kumunot ung noo nya.

i Fell Inlove with my BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon