Chapter 40

3.9K 74 4
                                    

Chapter 40

“Kapag lumabas ka sa pintuang yan, There’s no turning back jojo.” Matapang kong saad.

Mabilis ang tibok ng puso ko. Pumihit sya paharap sakin. Naniningkit ang mata nya habang nakaawang ang kanyang bibig. Halatang nagulat sya sa sinabi ko. Taas noo akong tumingin sa kanya kahit na patuloy padin ang pagtulo ng luha ko. Ininda ko lang yun, wala akong pakialam. Mabuti ng mahulog na silang lahat para maubos na.

“jojo please.. come back.” Paos ang boses ko habang sinasabi iyon.Di ko alam kung naiintindihan pa nya ako. Nagmumukha na akong batang naagawan ng laruan sa lagay kong ito pero hindi isang laruan lang ang naagaw sakin.. si jojo iyon.. Ang pinakamamahal ko sa buong buhay ko.

Nanatili syang nakatayo doon habang tinitignan ako. Parang gusto kong ipadyak ang paa ko dahil sa matinding pagkainis ko sa sarili ko. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawa kong kamay. Gusto ko ng matapos ang lahat ng ito. Gusto kong tapusin ang lahat kahit na hindi ko alam kung panu ba ito nagsimula..

“Jojo naman! Bakit ba hindi mo ako mapatawad? Mahal na mahal kita jojo. Please naman oh!” Umiiyak na saad ko sa kanya. Hindi ko ba mabilang kung ilang drum na ng luha ang naibuhos ko simula pa kahapon. Ang alam ko lang masakit ang mata ko pero hindi padin nauubos ang mga luha dito.

“pinili mo na si lanie sakin bakit jojo? Bakit?” umiiyak na saad ko, Naramdaman ko ang paghawak nya sa braso ko habang nakaluhod sya sa harapan ako. Ramdam na ramdam ko talaga na mahal na mahal ko sya. Miss na miss ko na din sya. Gusto ko na syang makayakap. Gusto ko na syang mahalikan, Gusto ko ng maibalik ang dating jojo.. Ang  JOJO ko.

Isang linggo syang wala. Isang linggong wala sa tabi ko, Tapos ngaun. Nagaway pa kami kaya di di ko sya mayakap at mahalikan manlang.

“jojo break na ba tayo?” tanung ko ulit sa kanya. Nakita kong nanlaki ang mata nya sa nadinig. “K-kasi kung ganun.. Hind---“

“No!Damn no! hindi pa tayo break rhea..” halos mapatalon ako dahil sa sigaw nya. Napatigil ako sa pagiyak,  Napatingin ako sa kanya. Binalot kami ng katahimikan, tanging ang paghikbi ko at ang mga hininga lang namin ang nadidinig ko.

“Galit lang ako sayo, Pero hindi pa tayo break, Hindi tayo mabre-break kahit na nafrufrustrate ako sayo..” saad nya.

Napayuko ako. Hinaplos nya ang mukha ko gamit ang dalawa nyang palad, pinunasan nya ang mga luha doon.

 

“mahal mo paba ako?” tanung ko sa kanya.

“Of course. I love you.”

“kung ganun bakit.. bakit kayo magkasama ni lanie kahapon? Hinintay kita sa school mo jojo tapos  nung tinawagan kita si lanie pa ang sumagot ng phone mo.”

yumuko sya tapos napakagat labi. “umalis ako ng maaga dahil sobrang bigat padin ng pakiramdam ko sa nangyari, ayaw kitang Makita dahil natatakot ako na baka kapag nakita kita mawala ang galit ko sayo kaagad.”

Napatingin ako sa kanya, pinunasan nya ang luhang dumadaloy sa mga mata ko. Lumapit sya para halikan ang mga iyon, Napapikit ako. I miss jojo. I miss him so much.

“Wala akong ibang taong mapagsabihan ng problema ko kaya when I saw her, ang unang pumasok ay kaylangan ko ng kausap kaya pumunta kami sa bahay nya. But, we didn’t do anything. We just talk and eat.” Hinila nya ang kamay ko kaya napaupo ako sa pagitan ng mga hita nya. Naramdaman ko ang mainit nyang hininga sa batok ko, Napapikit ako dahil doon.

“nung tumawag ka, Hindi ko alam na sya ang nakasagot noon dahil galing akong cr. Nung sinabi nyang ikaw iyon, Kumabog agad ng malakas ang dibdib ko. sobrang bilis.. parang hinahabol ng kabayo..” saad nya, pinulupot nya ang kamay nya sa bewang ko. Bumuntong hininga ako dahil sa apekto ni jojo sakin. Pakiramdam ko, Nahihigop nya ang lakas ko.

“nabasa ko ang text mo, nagmamadali akong pumunta sa school baka sakaling andun kapa at nalaman kong matagal ka palang nagantay sakin doon sabi ng guard, isa pa. ibinigay nya sakin ito.” Saad nya tapos may kinuha sa bulsa nya.. “here,” sabi nya. Nakita kong cellphone ko un. Kinuha ko ung sa kanya. Iniwanan ko nga ito sa isang bench doon.

“sorry… sorry baby..” sabi nya tapos niyakap ako ng mahigpit sa likuran. “ang buong akala ko makakaya kung tiisin ka, pero nakita mo naman Pagbukas mo ng pinto nakaabang ako doon, Dahil ang totoo, Hindi ko talaga maihakbang ang mga paa ko palayo sayo..” utas nya sakin. Bumitaw sya sa yakap sakin tapos iniharap ako sa kanya, pinulupot ko sa binti ko sa bewang nya habang sya naman ay nalasuporta sa bewang ko.

Marahan nyang dinampian ng halik ang labi ko, Mabababaw ang halik na yun pero sapat na para malasing na naman ako sa kanya. “Nung sinabi mo saking there’s no turning back, parang huminto ang pagikot ng mundo ko..” saad nya, pinagdikit nya ang mga noo namin, Ramdam na ramdam ko ang hininga nya sa labi ko.

“I love you.. I love you so much.. kahit na lokohin mo man ako, pagtaksilan, o iwan.. ikaw padin…” sabi nya tapos marahan akong hinalikan.. Napawi lahat ng hinanakit sa puso ko, parang tuyong dahon iyon na tinangay ng malakas na hangin..

Napakapit ako sa leeg nya.. I miss him so much! I miss him.. “ikaw padin walang iba… Ikaw lang ang gusto ko rhea.. ikaw lang..” saad nya matapos at matama akong hinalikan, Hinalikan ko di sya.

Pakiramdam ko ay naging gamut ang mga halik ni jojo at nawala upang nawala ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Si jojo lang ang nakakagawa nito. Sya lang talaga! Wala ng iba.

Kung bibigyan ako ng pagkakataon. Kung mamarapatin ng Diyos, Gusto kong makasama si jojo habang buhay. Gusto kong umalis at tumakbo kasama sya. Yung kaming dalawa lang. Kung sobrang yaman lang ako, kahit imposible, Gusto kong bumili ng sariling mundo para saming dalawa.

Yung kaming dalawa lang. Sapat na si jojo para maging masaya ako at di na maghangad ng iba pa.

Kumalas sya sa paghalik sakin at tsaka hinalikan ang noo ko.

“whenever, wherever. We’re meant to be together. I love you Rhea.”

“I love you more, Jojo.”

i Fell Inlove with my BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon