Special Chapter 1

4.8K 82 6
                                    

Hello mga repa! Chapter 50 ay ang ending ng I Fell Inlove with my BestFriend. Opo! Iyon ang ending. Pero, Hahayaan ko ba naman na walang happy ending churva sa Kwentong ito? Syempre oo! Ang daming tahimik na mambabasa eh. Dejk. Syempre hindi. Hohoho.

Kaya, ito na ang SPECIAL CHAPTER 1 ng I fell inlove with my Bestfriend. 

JOJO AND RHEA WILL GET THERE HAPPY ENDING.. SOON.

~

Special Chapter 1

RHEA POV

Nakahiga lang ako sa kama ko habang pinagmamasdan ang infinity ring sa daliri ko, it’s so beautiful.. But I wonder kung bagay ba talaga ito sa akin. Matamang bumalik sa ala-ala ko ang mukha ni jojo ng gabing iyon. Ung mukha nyang umiiyak habang nakaluhod sa harapan ko.

May singsing din syang hawak-hawak, pero mas pinili kong tanggapin ang singsing na ibinigay ni Daryl sa akin. May pinagsisihan ba ako? Mas kakasya ba ang singsing na iyon sa daliri ko? Mas babagay ba iyon sa akin? I honestly don’t know.

Nagitla ako ng may kumatok sa kwarto ko, Tumayo ako tapos ay binuksan iyon. Sinalubong ako ng nakangiting mukha ni papa.

“Anak, Andyan ang mga designer para sukatan ka ng gown.” Utas nya. 2 days from now, Gaganapin ang Engagement. After that, 2 weeks after ang kasal. Ganun kabilis, Ngumite lang ako pabalik tapos ay nagpatinaod sa kanya pababa. Pagbaba namin, naabutan ko ang dalawang babae doon. Nakangiti sila sa akin habang pinagmamasdan akong bumababa sa hagdan.

“Good morning po.” Magalang na saad ko. “Good morning din, Aba. Ang ganda pala ng bride, Ang swerte naman ng groom.” Utas sakin ng babaeng maiksi ang buhok. Ngumite lang ako.

Maya-maya pa, nagsimula na akong sukatan. Habang sinusukatan ako, panay lang ang titig ko sa pinto ng kwarto ni jojo, natatanaw ko kasi iyon dito. Matagal na akong hindi nakakapasok doon. At tingin ko, hindi ko na maalala kong saan ko nailagay ang susi dito. “anu po bang gusto nyo para sa gown ninyo?” tanung nila sakin.

“Kahit anu, basta simple lang.” walang ganang sagot ko. Nagtinginan ang dalawang designer tapos at bumaling sakin. “Wala po ba kayong ideal wedding gown? Yung medyo engrande at mala prinsesa ang dating? Ganun po kasi ang madalas ng hinihiling sa amin ng mga babaeng bride, since excited silang magpakasal.” Utas nila sakin. Napatingin naman ako sa kanila.

Oo nga naman! Di ko din alam. Para bang may kung anu sa loob ko at Hindi ko makita ang kagandahan sa mga bagay-bagay. “Hindi na. Ok na ako sa simpleng gown lang.” saad ko. Tumungo sila tapos nagpatuloy lang sa pagsusukat ng gown ko.

i Fell Inlove with my BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon