Chapter 5
Padabog akong humiga sa kama ko, Sinula nung nasa biaje kami pauwi hanggang dito sa bahay ay hindi ako pinapansin ni jojo. Panay ang kulit ko sa kanya sa taxi pero iniisnab nya lang ako. Tss! Ung banong yun. Pagkarating naming dito ay dire-diretsyo lang syang umakyat sa kwarto nya. Di manlang ako nilingon. Walang hiyang jojo.
Tumayo ako sa kama tapos pumasok sa kwarto nya.
“jojo. Tulungan mo ko sa assignment ko.” Sabi ko pumunta ako sa study table nya tapos isa-isang inilabas ang mga notebook ko doon.
“Alam mo, nung isang araw. Mataas ang nakuha ko sa homework ko, 48/50. Sabi nga ng professor ko bakit hindi ko pa pinerfect eh. Ikaw kasi eh! Iperfect mo na ung homework ko..” saad ko. Humarap ako sa kanya matapos kong iaayos ung gamit ko sa table nya.
Tumayo sya sa kama tapos walang emosyon na lumapit sa akin. Napangiti ako.
“gawin na nati—“ Natigilan ako ng kunin nya ang notebook ko at padabog iyong ibinigay sakin.
“sikapin mong gawin yan magisa. Gabi na din, inaantok na ko.” saad nya.
“k-kasi jojo, di ko to maintindihan ehh.” Di nya na ako sinagot, nakita kong pumasok sya sa cr tapos ang sunod kong narinig ung pagpatak ng tubig sa shower.
Napakagat-labi ako. Lumapit ako sa pinto ng cr nya tapos kinatok iyon.
“jojo..” saad ko. Pero hindi sya sumagot.
“jojo..” utas ko ulit. Wala akong sagot na natanggap kaya padabog akong bumalik sa kwarto ko, Nagshower na din ako at nagpalit ng damit.
Umupo ako sa study table ko pra gawin magisa ang assignment ko. Pero wala pang isang oras eh, nagtime-out din ako. Bumaba ako sa kusina para uminom ng gatas.
Nakahawak ako sa baba ko habang umiinom ng gatas. Tsss. Bipolar na jojo. Bigla-biglang nagagalit nakakainis. Tss.
“oh. Rhea bakit gising kapa?” napalingon ako sa nagsalita.
Si Atom.
“atom!”
“oh. Bakit parang nakakita ka ng multo jan?”
“ahh. Hindi, nagtimpla lang ako ng gatas. Gusto mo?”
“hindi na. hindi mo pa sinasagot ung tanung ko, bakit gising kapa?”
“hmmm. Ginagawa ko ung assignment ko e. pero di ko naman maintindihan kung panu..”
“hindi kaba tinulungan ni jojo?”
“hindi ehh. Wala syang awa.” Saad ko tapos bumaling ulit sa baso ng gatas ko at inubos ang natitirang laman noon.
Ngumite sya tapos ginulo ang buhok ko. “HAHAHA. Cge, ibaba mo dito yung assignment mo. Tutulungan kita.” Ngumite ako kay atom tapos umakyat ulit ako para ibaba ung gamit ko.
Umupo kami sa may dining table sa kusina tapos dun nya ako tunulungan. Matalino talaga ‘to. Mapeperfect ko ata tong assignment ko ahh. Hindi tulad ni jojo, Ayaw iperfect, laging nilalagyan ng mali.
“salamat dahil tunulungan mo ako.” Nakangiting saad k okay Atom habang nililigpit ang gamit ko.
“wala yun, gabi na matulog kana..” sabi nya. Ngumite sya sakin tapos ginulo-gulo ung buhok ko.
Napatigil ako ng makita si jojo sa may pintuan ng kusina. Naka kunot ang noo nyang nakatingin sa akin. Nanlaki ang mata ko ng makita ang galit nyang mukha.
“oh jojo, gising ka pa pala, bakit hindi mo tinuruan ‘to si rhea sa assignment nya?” saad nya. Umirap lang si jojo tapos pumihit na patalikod.
“ikaw nalang kuya. Total mas gusto ni rhea na ikaw ang magturo sa kanya.” Saad nya. Nagkagat-labi ako. Hindi ito gusto ng mga paru-paru.
Umakyat ulit sya sa taas. Hindi ko maintindihan kung bakit ganun si jojo. Kung bakit sya nagagalit?
“Nag-away ba kayo?” tanung ni atom sakin. Umiling-iling ako.
“baka pagod lang. Cge na, Matulog kana.” Saad nya. Tumango lang ako tapos umakyat na din.
Iniwan ko sa kwarto ko ung gamit ko tapos pumunta na sa kwarto ni jojo,Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob. Naabutan ko syang nakahiga habang nakatagilid sa kama.
Tumabi ako sa kama nya tapos niyakap ko sya patalikod.
“galit ka padin? Kakainis ka naman. Si atom tuloy ung nagturo sakin, di ko sya masyado naintindihan, mukhang perfect ung assignment ko, Baka sabihin ng prof ko kinopya ko lang. dito na muna ako matutulog. Goodnight.” Saad ko.
Maya-maya pa dinalaw na ako ng antok. Ipinikit ko ang mata ko, pero sandal akong nagising ng naramdamng gumalaw si jojo at humarap sakin.
Hinaplos nya ang mukha ko tapos ay hinalikan ako sa noo. Malungkot ang mga mata nya.
Hindi ko na nadinig ang huli nyang sinabi dahil tuluyan na akong nakatulog.