The gigantic cast iron gate was surrounded by bricked fence walls. There's a crown arch above it where the gold plated emblem of the school can be seen. Ang malalaking letra sa ibaba ng emblem ang nakapukaw sa atensyon ko. Last year, they were made out of gold. Ngayong taon naman ay yari ang mga iyon sa mga diyamante.
"Alfheim Academy," basa ko.
Someone scanned the car's plate number as we passed through the gate. Habang binabagtas naming ang daan ay napalingon ako sa kaliwa. Ang mahabang pathway ay napaliligiran ng mga puno, halaman, at iba't ibang klase ng bulaklak. Upon reaching its end, my gaze went to the white-beige two-storey building. At ang makita na nakabukas ang ilaw sa isa sa mga kwarto sa ikalawang palapag ang nagpa-ngisi sa akin.
Ang mga estudyante na nasa malawak na hardin sa kanan at sa kaliwa ay napatingin sa sinasakyan ko bago namin lagpasan iyon.
Tuloy-tuloy lang ang pagpapa-takbo ng driver hanggang sa nakarating kami sa intersection. Huminto kami para makadaan ang ibang sasakyan. Idinaan ko sa pagbuntong-hininga ang nauubos na pasensya ko.
I looked at the extravagant fountain in the middle of the intersection lazily. Tuwing gabi ay iilaw iyon kasabay ng pag-sindi sa mga makukulay na ilaw sa buong Alfheim Academy.
Ang gusali namin at ang mga pasilidad na sadyang ipinatayo para sa amin ang makikita kapag binagtas ang kalsada sa kaliwa. Nasa kanan naman ang ibang pasilidad 'tulad ng mga laboratoryo, ang gymnasium, ang cafeteria, ang infirmary, ang auditorium, ang field, at ang library.
Ang tatlong naglalakihang gusali ang sumalubong sa akin paglagpas ng intersection. Their architectural designs, as well as the other facilities, brought me back to the Renaissance era. 'Yung gusali na nasa gitna at pinaka malaki ay ang main building. Doon matatagpuan ang mga opisina ng mga guro, ang mga opisina ng mga namumuno sa Alfheim Academy, at iilang silid-aralan. Gusali naman ng High School ang nasa kanan. At ang nasa kaliwa ay ang gusali ng Elementarya.
Today is the first day of my last year in here. Gusto ko pa sanang namnamin ang pagbabalik-tanaw sa mga nagdaang taon ko rito kung hindi lang ako nagmamadali.
"Nandito na po tayo, Miss," anang driver nang huminto ang sasakyan sa tapat ng main building.
That was my cue. Binuksan ko 'agad ang pinto. I almost jumped out of the car. Nagulat ang driver sa ginawa ko. "I'm sorry!" I said to him. Nag-peace sign pa ako bago humarurot sa pagtakbo.
My goodness! I have to make it on time! Kailangan kong ipa-validate ang ID ko bago ako tumungo sa klase ko. Baka unang araw pa ay lang mamarkahan na 'agad akong absent! Hindi kakayanin ng kaloob-looban ko 'pag nangyari 'yon!
Hindi ko na pinansin ang pagbati ng ibang estudyante. Kailangan ko 'agad makapasok sa main building. Mukha tuloy akong tanga dito dahil sa laki ng mga hakbang na ginagawa ko! Paanong hindi ko lalakihan ang hakbang kung sobrang lawak nilalakaran ko ngayon?
"Tania Louvelle Jaranilla!"
Huminto ako sa paglalakad. Kumulo bigla ang dugo ko sa narinig ko. Dahan- dahan ay nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na iyon. She waved at me before she crossed her arms. Naglakad ako papunta sa kanya.
"W-What did you just call me?" Malay niyo at medyo nabingi ako 'di ba?
She smirked. "Ah, your name?"
Ano kamo? Pangalan ko? Apelyido ko iyon?!
"Tania Louvelle's my name, pero hindi J-Jaranilla ang apelyido ko," I said through gritted teeth.
Magsasalita pa sana ulit ako kaya lang ay hinigit niya na ang braso ko. Patungo kami ngayon sa bulletin board kung saan maraming estudyante ang nagkakagulo. 'Agad silang tumabi sa gilid nang nakita kaming dalawa ni Cailah. Lumapit ako sa bulletin board. Pinasadahan ko ng tingin ang lahat ng papel na nakadikit doon hanggang sa nakita ko 'yung rankings ng 4-A. Isa lang naman ang hinahanap at hahanap-hanapin palagi ng mga mata ko...
RANK TWO: Dwight Duval Jaranilla
I smiled secretly. Nice try.
BINABASA MO ANG
It Was Always You (Published)
Teen FictionLahat ay kuntento na maliban kay Tania. For her, being the Rank One is not enough knowing that her rival, Dwight, is willing to do everything to be on top. Unexpected things awaits as they continue their last journey in High School. Masusubukan ang...