Kasalukuyan kaming kumakain sa Di Mare Restaurant para sa aming pananghalian. Ito na ang huling araw namin sa resort. Bukas ng umaga ang flight namin pabalik sa Pilipinas.
Kanina, halos ubusin namin ang aming oras sa Krisna. Bumili na kami doon ng maraming pasalubong at souvenirs para diretso uwi na kami bukas.
"Excuse lang ah? Tumatawag kasi si Mommy," tumayo si Dana at lumayo sa amin.
Pinagpatuloy ko ang pagkain ng grilled salmon. Nasa tabi ng water goblet ang paracetamol na binigay ni Mommy. Bigla na lang sumakit ang ulo ko. Inabot na kami ng madaling araw sa pagkukwentuhan kaya naman ay puyat kaming lahat ngayon.
Tahimik lang kami habang kumakain. Nag-angat ako ng tingin kay Dana nang makabalik siya sa kanyang upuan.
"Dana, tapos ka na kumain?" Tanong ni Danielle nang mapansing hindi ginagalaw ni Dana ang kanyang pagkain.
Umiling si Dana. "Kakain pa ako, Danielle."
Ang weird. Malayong-malayo ang Dana na nakikita ko ngayon sa Dana na kilala ko. I wasn't certain what was wrong with her. She's not okay. I could feel it. She summoned up a brave smile nang mapansin ang mga titig ko sa kanya.
Kinagabihan ay nagpasya kaming lahat na maligo sa pool. Nalungkot ako bigla. Uuwi na kami bukas at iiwan na namin ang paraisong ito. Babalik talaga ako dito kapag may pagkakataon.
Napatingin ako sa villa kung saan nag-stay 'yung mga foreigner. Laking pasasalamat namin at nakaalis na sila. Wala nang manggugulo. Lumapit ako sa table na may mga pagkaing nakahain. Umupo ako at kumuha ng fries. Sumunod sa akin si Dwight at nakikain sa fries ko.
Sina Danielle naman ay kanina pa nagtatampisaw sa pool. Salamat sa jokes ni Drei dahil panandaliang nakalimutan ni Dana ang problema niya.
"Ilalabas niyo ba lahat ng alak sa ref?" Tanong ni Cailah. Nakalubog ang paa niya sa pool. Dinaluhan siya ni Matt na may dalang barbecue.
"Hindi siguro. Maaga ang flight natin bukas at papagalitan tayo 'pag nalasing na naman tayo," tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Ranie.
Nakatanggap ako ng text mula kay Mommy. Nasa seashore sila ngayon dahil nagpapalabas ang resort ng movie every Monday.
From: Mommy
Anak! Jack and Rose ang trip namin ng Daddy mo! Ni request namin na ipalabas nila 'yung Titanic! ^O^
Naiimagine ko ang Mommy ko na feeling si Rose DeWitt Bukater at ang Daddy kong nangangarap na maging si Jack Dawson kahit sa panaginip lang.
To: Mommy
Okay po! Balitaan mo na lang ako 'pag lumubog na 'yung barko niyo!
Muntik ko nang mabitawan yung cellphone ko. Isang pulgada na lang ang layo ng mga mukha namin ni Dwight sa isa't-isa.
Humarap siya sa akin. "Titanic herself witnessed how Jack and Rose loved each other; how they protected each other; how they trusted each other, and how they fought for their love even though the world was falling apart around them."
Kumunot ang noo ko sa lalim ng pinanghuhugutan niya.
"Tania, when you're in love, you have to sacrifice. Like what Jack did in order to save the life of his greatest love," napapikit siya. "We can never get away to the fact that their story is now a memory in every people's heart and mind. It was tragic."
A-Ano'ng ibig ipahiwatig ni Dwight?
Katahimikan ang bumalot sa paligid. Doon ko lang napagtanto na lahat sila ay tahimik na nakatingin sa amin. Nakita ko si Cassidy na tumingala 'tapos bigla siyang tumalikod.
BINABASA MO ANG
It Was Always You (Published)
Teen FictionLahat ay kuntento na maliban kay Tania. For her, being the Rank One is not enough knowing that her rival, Dwight, is willing to do everything to be on top. Unexpected things awaits as they continue their last journey in High School. Masusubukan ang...