T A N I A
Hindi na bumalik ang sigla ko mula nang umalis si Dwight kanina. Ni hindi na ako sumama kina Ranie para i-hatid siya sa main gate. Mas minabuti kong manatili na lang sa tambayan para doon magmukmok.
"Dito ka lang ba? Sasabihin ko kay Ela—"
Pinutol ko ang sasabihin ni Cailah. Lahat sila ay handa nang bumalik sa kani-kanilang tungkulin sa labas.
Bumangon ako mula sa pagkaka-higa sa couch. "I'm going, too. Kailangan ko pa rin gawin ang utos ni Elara."
Natahimik sila at lumabas na lang. Hinawakan ko ang pendant at sumunod na.
Natapos ang unang araw ng festival. Magkasabay kami ni Drei umuwi. Pagdating sa bahay ay kinamusta ko si Mommy. Kumain ako ng kaunti. Pagkatapos ay nag-ritwal at natulog na.
Iyon na ang naging routine ko sa mga nagdaang araw. Bihira lang kung tumawag si Dwight, but that's okay. I couldn't ask for more. Kuntento na ako.
This is the diversion that I needed. Sa halip na magmukha akong mamatayan araw-araw ay naisip ko na lang na mag-sunog ng kilay sa pag-aaral. And it worked! Palaging mataas ang mga marka na nakukuha ko sa mga pagsusulit. As for Dwight, he's taking his exams online. The results were always the same. Siya pa rin ang Rank Two.
Three months had passed after Dwight left for Las Vegas. He would always call to check on me. Ako naman ay kailangang mag-puyat para makausap ko siya. It's fine at all. Neither of us needs to sacrifice. 'Tulad ng lagi niyang sinasabi, it'll be worth it.
Isang araw ay ibinalita ni Elara na dadalaw muli ang mga shareholder ng Alfheim Academy. Lumabas 'agad ako sa tambayan sa pag-aakalang kasama sa kanila si Dwight.
Then I saw the man who just stepped out of the car. It's Clifford!
Umatras ako at tumakbo pabalik sa tambayan. Pinigilan ko ang mga luhang nagbabadyang tumulo sa aking mga mata.
"Tania! Saan ka pupunta?" Hinabol ako ni Drei.
"I'm in a hurry, Drei! See you later!"
Hindi ako lumingon dahil ayokong makita niya ang mga mata ko. Andrei wouldn't think twice. Sasabihin niya iyon kay Dwight kaya mas mabuti kung hindi niya makikita ang mga mata ko.
Binuksan ko ang pinto ng tambayan. Tumakbo ako paakyat sa second floor. Pumasok ako sa kwarto ko. I immediately locked the door, so no one will see how devastated I am right now.
Nalulungkot ako dahil akala ko ay mapapaaga ang pag-uwi niya. There's nothing I can do. Hindi ko hawak ang buhay niya. His grandfather will never let him see me again. Pero may tiwala ako kay Dwight. I know that he'll be back for me... For us. All I have to do is to just wait.
Twenty days left before Christmas. Lahat kami sa tambayan ay abala sa pag-de-decorate. Ako ang naatasan sa pag-gawa ng mistletoes. Naka-gawian na rin naming recycled materials ang gagamitin para sa lahat ng dekorasyon.
"Ate Tania," naka-tayo sa harapan ko si Cassidy.
Nginitian ko siya. " Iyan na ba ang ginawa mo? It's beautiful!"
Lumapit siya sa akin para mailagay sa ulo ko ang ginawa niyang Santa hat. Napansin ko na halos lahat sila ay may suot na at ako na lang ang wala.
"Thank you, Cassidy," I hugged her. Hinigpitan ko pa lalo dahil para ko na ring niyayakap si Dwight sa pamamagitan ng kapatid niya.
"Ate, h-hindi ako si K-Kuya Dwight!" Natauhan ako nang sumigaw siya. 'Agad akong humiwalay at nag-sorry.
"Mamaya na nga ako lalapit sa 'yo, Ate. Mayuyupi lang ang katawan ko," aniya at pinuntahan sina Ranie at Stacie na nagkakabit ng mga garland sa buong tambayan.
BINABASA MO ANG
It Was Always You (Published)
Teen FictionLahat ay kuntento na maliban kay Tania. For her, being the Rank One is not enough knowing that her rival, Dwight, is willing to do everything to be on top. Unexpected things awaits as they continue their last journey in High School. Masusubukan ang...