T A N I A
Nagbubunyi pa ang kalooban ko nang bigla na naman akong hinila ni Cailah. Ngayon ay patungo kami sa building ng High School. Halos madapa ako at halos mahulog na ang mga gamit ko sa bilis naming maglakad. She's really excited and I know exactly the reason why.
"Cailah, I'm late! Hindi ko pa napapa-validate 'yung ID ko!" Untag ko.
Umikot ang mga mata niya. "Sus! Hindi mo nga 'yan naalala habang tinititigan mo 'yung rankings kanina! Isa pa, mamaya mo na intindihin 'yon. 'Tsaka wala pa 'yung mga teacher. Nag text sa akin si Matthew," then she 'shhh' me.
Wala akong nagawa kung hindi ang umupo na lang habang pinapanood ang kahibangan ng pinsan ko. Aba! Kung hindi ba naman may pagkabaliw ang isang ito, tama ba naman na hatakin ako at isama dito sa room ng 4-C para lang makita ang crush niya? Kitang-kita ko ang pag haba ng leeg niya sa kaka-silip sa loob.
And, yes. She is my cousin. Nakaba-batang kapatid ng daddy ni Cailah ang daddy ko. However, we're both fifteen. Halos sabay lang kasing nagbuntis ang mga nanay namin.
Malakas ang dugo ng mga Estrada kaya naman ay malaki ang pagkakahawig namin sa isa't isa. Madalas din kaming napagkakamalang magkapatid kaysa magpinsan. Kung sa pangangatawan ay pareho lang kami. 'Yon nga lang ay mas matangkad ako sa kanya. Her skin is slightly tanned while mine is fair, but not as white as paper. Ang kulay tsokolate kong buhok ay tuwid at umaalon pagdating sa baywang ko. Hanggang balikat naman ang tuwid na itim na buhok ni Cailah. Our noses are both narrowed. Manipis ang labi niya and mine's a bit plumped. Her arched eyebrows furrowed as she leaned closer at the door. Mine's a bit bushy and untamed because I like them this way. My almond shaped brown eyes are bolder and livelier, compared to Cailah's monolid eyes. Kaya natatarayan ang iba sa kanya dahil sa mga mata niya. But that's a fact. She is sassy.
Maliit lang ang pamilya namin. Ang mga lolo't lola namin ay namayapa na. Sina Daddy at Tito Cyle lang ang mga anak nila. Ang mga magulang naman ni Mommy ay namayapa na rin. Ang ibang kamag-anak niya ay nasa ibang bansa kaya ang pamilya lang ni Cailah ang naka-gisnan ko noong una pa lang.
Tiningnan ko ang oras sa relo ko. Sapat na ang oras na binigay ko kay Cailah para magpapansin siya sa crush niya. At hindi naman siya pinapansin dahil alam ko namang sa iba nakatuon ang atensyon ni Ian. Tumayo na ako. Ayaw ko nang magsayang kami ng oras dito.
Lumapit ako sa kanya. "Hey!" Mahina lang 'yung boses ko dahil nagsimula na ang klase sa ibang room.
"Cailah!" Tawag ko ulit.
"Come on, Cailah! You have lowered yourself for this? I know you can do better! Know your worth! You deserve a man, not a boy!" I said, but she ignored me.
"Tara na, Cailah!" Bingi ba ito o nag bibingi-bingi-han lang?
Tuluyan nang naubos ang pasensya ko.
"Holy sh—" 'Agad kong tinakpan ang bibig niya sabay hila sa kaniya palayo sa room ng crush niya.
Dinala ko siya dito sa fire exit para kahit talakan niya ako ay walang makakarinig sa kanya. Binitawan ko siya at umupo ako sa hagdan.
"What?" Natatawa ako dahil kung nakamamatay lang ang titig nito, I'm sure kanina pa ako walang buhay.
"Bakit mo dinakma 'yung pwet ko?!" Humalukipkip pa siya habang masamang nakatingin sa akin.
"Para namang meron talaga," I whispered.
Umupo siya sa tabi ko. "You know what? Ang sama mo! Kita mong busy pa ako doon, eh! Ngayon ko na nga lang nakita si Ian!" Humahaba ang nguso niya dahil sa inis.
BINABASA MO ANG
It Was Always You (Published)
Teen FictionLahat ay kuntento na maliban kay Tania. For her, being the Rank One is not enough knowing that her rival, Dwight, is willing to do everything to be on top. Unexpected things awaits as they continue their last journey in High School. Masusubukan ang...