Kinabukasan ay ibinalita sa akin ni Mommy ang pagdating ni Daddy ko. Ako ang naatasan niyang mag-sundo sa airport. Hindi mawala ang kasiyahan na nararamdaman ko. Pagdating ko sa school, binati ko ang mga nakasalubong ko.
Alam kong nagulat silang lahat sa ginawa ko. Wala, eh. Masaya talaga ako.
"Good morning, guys!" Bati ko sa kanila. Sobrang lapad ng ngiti ko!
Tumabi ako kay Stacie na busy sa pagkain ng cinnamon roll. Kinuha ko 'yung milkshake at ininom.
"Katapusan na ba ng mundo?" Narinig kong sinabi ni Ranie kay Matt.
"Baka in love lang. OA mo, dude!" Sagot naman ni Matt kay Ranie.
"Pinagsasabi niyong dalawa?!" Inis na sigaw ni Cailah sa kanila "Pero ano nga ang nangyari? Ba't ang saya mo?" Nagtataka niyang tanong sa akin.
"Mahal mo na ba kaya ka masaya?" Mas nagtaka ako sa sinabi ni Stacie dahil bukod sa ilang words 'yon, hindi ko din naintindihan.
"Sino'ng mahal ko?" Tanong ko sa kanya.
Napangiwi silang lahat sa sinabi ko. May mali ba doon?
"Wala. Forget it," walang gana na inabi ni Stacie saka ulit kumain.
"Seriously? Ba't ka nga masaya?" Naiinip na tanong ni Cailah.
"Kasi uuwi na si Daddy!" Hindi pa din naaalis ang ngiti sa labi ko.
"Akala ko naman dahil sa nangyari," nag iwas ng tingin si Cailah. Gumaya din si Stacie.
"Para kayong ewan! May iba pa bang dahilan para maging masaya ako?" Isa-isa ko silang tiningnan.
"OO!!""Nagulat naman ako dahil lahat sila ay sumigaw.
"Ano naman 'yon?"
Sabay-sabay kaming napatingin kay Dwight na kararating lang. Nilapag niya 'yung bag niya sa couch saka kumuha ng cinammon roll.
"Tell me, ano pa ang pwedeng dahilan?" Sabi niya habang ngumunguya. Hindi muna kasi lunukin!
Parang nakakita ng multo 'yung mga kasama namin at lahat sila ay namumutla. Weird.
I cleared my throat. "Oo nga! Ano ba 'yung sinasabi niyo?"
Nagka-tinginan naman 'yung apat tapos sabay-sabay silang tumingin sa iba't-ibang direksyon.
"Kinakausap ko kayo!" Lahat sila ay napatingin kay Dwight.
"A-Ah! Ano kasi D-Dwight!" Ano'ng nangyayari kay Ranie?
"W-Wala 'yon! Ikaw naman, dude!" Siniko pa ni Matt si Ranie na ngayon ay nagkakamot sa ulo.
"Kasi nga—" Bigla na lang tinakpan ni Ranie ang bibig ni Stacie.
Ang weird nilang lahat! Ano ba ang nangyayari? Lagi na lang hindi natutuloy ni Stacie ang sasabihin niya. Kakausapin ko siya 'pag kaming dalawa na lang.
"Sumama ka sa akin," clueless akong bumaling kay Dwight.
"H-Huh? Saan?" Tanong ko.
Hinila niya na ako palabas. Bago niya isara ang pinto, nakita ko pa 'yung mga baliw na sabay- sabay na sumalampak sa couch. Para silang nabunutan ng tinik.
"Saan tayo pupunta?" Parang wala siyang narinig dahil tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad.
Sumunod ako sa kanya nang pumunta siya sa garden. Umupo siya sa isang bench kaya umupo na lang din ako. Malayo ang pagitan namin sa isa't isa. Mabuti na lang at hindi mainit dahil sa malaking puno na nasa likuran namin.
BINABASA MO ANG
It Was Always You (Published)
Teen FictionLahat ay kuntento na maliban kay Tania. For her, being the Rank One is not enough knowing that her rival, Dwight, is willing to do everything to be on top. Unexpected things awaits as they continue their last journey in High School. Masusubukan ang...