C A I L A H
Everyone greeted us. I just smiled at them. Tiningnan ko si Tania na naka upo sa couch, mukhang malalim ang iniisip. Si Dwight naman ay malalim din ang iniisip. Lahat sila may kanya-kanyang ginagawa. Si Ranie, lumalamon na naman. Si Stacie ay nagmamasid lang. Sina Dana at Danielle ay nagtatalo sa gilid. Nahagip din ng paningin ko si Matthew. I stared at him. Saglit akong natulala nang may napagtanto.
"Oo nga pala, I have something to tell you," I stood up in front of them.
"Ano 'yon, babe?" Tanong ni Ranie.
Matthew glared at him. "Stop calling her 'babe', dude."
Ranie chuckled. "Woah! Easy!"
"Tigil niyo na nga 'yan. Sige, Cailah, sabihin mo na," sabi sa akin ni Dana.
Sinaa Dwight at Tania ay tahimik lang. Alam ko naman na alam na nila kung ano ang sasabihin ko.
I cleared my throat. "It's about a deal. Pagkatapos ng exam, 'pag nanatili pa din tayong lahat sa mga rank natin, may surprise na nag-aabang sa ating lahat."
"Really?! Sige, deal!" Pag sang-ayon ni Dana.
"Payag ako diyan," tumayo si Ranie at ngumisi. Confident, eh?
Hanggang sa lahat sila ay pumayag sa deal. Exciting 'to!
Nag-ayos na kami ng mga gamit namin saka tumungo sa classroom. Nakaupo na ako sa assigned seat na ibinigay para sa akin. I checked the time on my phone, 5 minutes pa.
Excited na ako mamayang lunch! Pupunta ako sa building nina Ian. Well, patago akong pumupunta doon. Walang nakaka alam kahit si Tania.
"Good morning!" Nandito na pala si Sir Javier, ang music teacher namin.
"Good morning, Sir!" Bati naming lahat.
Sumunod kaming lahat kay Sir sa music room. Tahimik lang kaming lahat habang naka upo. Lahat ay naghihintay sa sasabihin ni Sir Javier.
"Sa piano muna tayo ngayon, class."
Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti na lang at nag piano lessons ako noong nasa pre-school. Advantage 'yon!
Tumayo na si Sir sa harap namin. Hawak niya' yung iPad niya. May tiningnan siya doon.
"So, for today, isa isa kayong tutugtog sa piano. Bawat isa sa inyo ay bubunot mamaya para sa piyesa na inyong tutugtogin sa harap ng klase. Malinaw ba?"
"Yes, Sir Javier!"
Bumalik na ulit si Sir sa may table niya. Tiningnan niya kami isa isa. Marahil ay namimili siya kung sino ang mauuna.
"Let's start with you, Miss Veridiano."
Ngumiti si Dana saka tumayo at lumapit sa table ni Sir.
"Go, Dana! You can do it!" Kahit kailan talaga si Danielle.
Bumunot si Dana sa fishbowl na nakapatong sa table. Pagkatapos ay ibinigay niya na iyon kay Sir.
"River Flows In You by Yiruma," basa ni Sir sa nakasulat doon sa papel.
May binigay pa siya na papel kay Dana. Sigurado akong music sheet 'yon.
Sa umpisa ay nahihirapan pa si Dana. Pero hindi nagtagal, naging maganda na sa pandinig ang tinutogtog niya. Ang galing niya!
"Mr. Lopez, you're next," 'agad lumapit si Ranie sa table ni Sir para bumunot.
"Rondo Alla Turca by Mozart."
BINABASA MO ANG
It Was Always You (Published)
Teen FictionLahat ay kuntento na maliban kay Tania. For her, being the Rank One is not enough knowing that her rival, Dwight, is willing to do everything to be on top. Unexpected things awaits as they continue their last journey in High School. Masusubukan ang...