Chapter 43

307 17 0
                                    

T A N I A

Bigla akong nagising nang nakaramdam ng gutom. I opened my eyes and I was surprised when I saw how dark the sky is. Gabi na pala. Ibig sabihin ay ilang oras akong natulog.

I wonder what time is it now? Hindi ako pwedeng magtagal. I need to go home. Andrei went to his first ever TVC shooting. Ang mga kasambahay lang ang kasama ni Mommy sa bahay.

Bumangon ako at tumungo muna sa CR para maghilamos. Once I'm done, I turned the lights off and stepped out of the room.

"She's awake!" Narinig ko ang boses ni Danielle habang bumababa ako.

Naabutan ko silang lahat sa living room. Nakasuot na sila ng pang-bahay. Ako na lang pala ang naka-uniporme. Napansin ko na punong-puno ng mga tasa ang center table. Napatingin tuloy ako sa wall clock. 'Agad akong nag-panic nang nakita ang oras. It's already 11 PM!

Nilibot ko ang paningin ko. Tapos na sila sa pag-de-decorate. The mistletoes are everywhere, too. Napangiti ako dahil nagustuhan ko ang kinalabasan ng effort nila.

Sinalubong ako ni Cailah. "Dito tayo lahat matutulog ngayon. Kadarating lang ng Daddy mo, so stop worrying about your Mom. She's fine."

Sumunod ako kay Cailah patungo sa living room. Nang umupo ako sa tabi ni Cailah ay siya namang pagdating ni Matt. May dala itong tray na puno ng mga coffee cup. Nang mailapag ito sa center table ay umupo na siya at inakbayan ang pinsan ko.

"Hindi ba kayo matutulog? Bakit ang daming kape?" Nagtataka kong tanong.

Tumikhim muna si Ranie bago nagsalita. "Gusto lang namin mag-kape, Tania. 'Wag kang mahiya kung gusto mo rin. Madami tayong supply ng 3in1."

Napangisi na lang ako sa kalokohan ni Ranie. Mabuti na lang at mahimbing ang tulog ni Stacie habang nakahiga ito sa mga hita niya. Kung sakaling narinig nito ang sinabi ng magaling niyang kasintahan ay nakatikim si Ranie ng sapak.

Bukod sa pagka-kape nila ay napansin ko rin ang pagiging balisa nina Dana, Danielle, at Cailah. Maya't maya kung tumingin sila sa kani-kanilang mga cellphone.

"Bakit hindi niyo man lang ako ginising? Sobrang tagal ko palang nakatulog?" Sabi ko at humikab. Napa-hikab din tuloy sila.

"Mahimbing ang tulog mo. We don't wanna wake you up, Tania. Baka kami ang pag-initan mo," pahina ng pahina ang boses ni Dana. Bakit ko naman sila pag-i-initan?

"Gutom ka na ba? Tinirahan ka namin ng pagkain," ani Cailah.

Tumango ako. Nagpaalam siya kay Matt na kukuhaan ako ng pagkain sa dining area. I rolled my eyes. Sweetness overload!

Inilabas ko ang cellphone ko para tawagan si Mommy. Kailangan ko pa rin siguraduhin na ayos lang sa kanila ang pagtulog ko dito ngayon.

Unang ring pa lang ay sinagot niya na ang tawag ko.

"Hi, dearest anak!" Humagikgik si Mommy sa kabilang linya. "Wanna talk to your Dad?"

"Mommy, pinaalam po ako sa inyo ni Cailah?" Napatingin sa akin ang lahat. They suddenly became attentive.

"Yes! Kanina pa! May mga damit ka naman diyan kaya hindi na ako nagpadala. Your father wants to talk to you. Take care, alright? I love you!"

"I love you, too!" Ilang saglit pa ay narinig ko na ang boses ni Daddy. "Hello, Dad?"

"I missed you, anak! My surprise was such a failure!" Tumawa si Daddy. "Akala ko kasi nandito ka. 'Di bale, uuwi ka naman bukas. Mag-ingat ka diyan, ah? Gusto nang matulog ng Mommy mo. I love you, anak!"

It Was Always You (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon