R A N I E
Dumating ang araw ng Huwebes, August 24 para mas detalyado. It's already seven o'clock in the morning, pero mag-isa pa rin ako dito sa tambayan.
"Nasaan ba ang mga 'yon? Wala ba silang balak na pumasok?"
I stood up and went to the kitchen. I'm hungry and Cailah isn't here yet. Binuksan ko ang ref para maghanap ng makakain. Napangisi ako. Hindi naman ako ginugutom sa bahay, kaya lang...
Hindi ko na naituloy ang paghahanap ng pagkain sa ref dahil sa biglaang pagbukas ng main door. Kinuha ko muna ang mahiwagang sandok ni Cailah just in case na masamang espiritu ang pumasok sa loob ng aming tambayan.
Napailing ako. "What the hell is wrong with me?"
Naging paranoid na ako magmula nang mawala si Dana sa 4-A. It's been a week. Pakiramdam ko ay hindi na ligtas ang kahit na sino sa aming pito. Nagawa ngang tanggalin sa pagiging Rank Eight ng kurimaw na 'yon si Dana, eh. Ibig sabihin, kayang-kaya rin niya kaming ubusin. That piece of shit! Isaksak niya sa nguso niya lahat ng Rank kung gusto niya!
Huminga ako ng malalim bago ko ibinalik ang sandok ni Cailah sa dati nitong kinalalagyan. Guni-guni ko lang siguro 'yung narinig ko kanina. Matutulog na lang ako sa kwarto sa second floor.
Pumasok ako sa kwartong pinili ni Stacie para sa kanila ng estudyanteng tinuruan niya. Sumalampak 'agad ako sa kama. Kinuha ko ang unan at niyakap.
Napangiti ako. Naaalala ko nanaman...
Kanina ko pa tinititigan ang librong nasa harapan ko. Kanina pa din nag-aabang sa itururo ko itong estudyanteng kasama ko ngayon. Kung kailang huling araw ng pagiging tutor namin saka pa 'ko nagkaganito...
Shy type... Shy type...
Napasabunot ako sa sarili. Tss. Something's wrong with me.
"Miss Barrientos, may kailangan lang akong gawin. Basahin mo muna ang kabanatang ito," ipinakita ko sa kanya 'yung libro. "I'll be back," paalam ko at lumabas na ng kwarto.
I need to talk to her. G-Gusto ko siyang makita...
Kumatok muna ako bago ko binuksan ang pinto. Naabutan ko si Stacie at iyong kutong tinuturuan niya na sobrang lapit sa isa't isa.
Fuck. This.
"R-Ranie!" Pareho silang gulat na napatingin sa akin. Umayos si Stacie sa pagkaka-upo.
Nanuyot ang lalamunan ko. "I hope I didn't d-disturb you," I said bitterly.
Tumayo si Stacie at lumapit sa akin. Naniningkit ang kanyang mga mata. Napalunok ako.
"What are you doing here, Ranie? Iniwan mo si Sugar?"
"N-No!" Mas lalong naningkit ang kanyang mga mata. "Y-Yes. Ang sabi ko may gagawin lang ako."
"Iyon naman pala, eh. Umalis ka na dito. Gawin mo na ang gagawin mo nang makabalik ka na sa kwarto niyo," her eyes glittered coldly. She was looking at me with no amount of emotion in her features.
'Lagi ka na lang ganiyan tumingin sa akin. Magbabago pa kaya 'yan, Stacie? Pwede pa kaya?
Nilingon ko 'yung kuto at sinamaan ng tingin. Halos sumubsob siya habang tumatayo. Napatingin sa kanya si Stacie.
"W-Water break, Stacie," aniya.
"May tubig dito sa kwarto. Kumuha ka na lang sa ref."
BINABASA MO ANG
It Was Always You (Published)
Teen FictionLahat ay kuntento na maliban kay Tania. For her, being the Rank One is not enough knowing that her rival, Dwight, is willing to do everything to be on top. Unexpected things awaits as they continue their last journey in High School. Masusubukan ang...