Chapter 15

546 36 4
                                    

Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng bahay. Ganoon na lang ang pagiingat ko para hindi maka-gawa ng kahit na anong ingay. Umakyat ako sa ikalawang palapag at mabilis na pumasok sa kwarto ko.

Naabutan ko si Cailah na pagulong-gulong sa kama. Para siyang sinasapian. Nagulat pa ako nang tumili siya kaya nilakasan ko ang pagsara sa pinto para makuha ang atensyon niya.

She immediately stood up when she saw me. Tumakbo siya papunta sa akin. Napasandal ako sa pinto dahil sa lakas ng pagtama ng katawan niya sa dibdib ko.

"Tania! Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko!" Kulang na lang ay sumigaw siya dahil sa sobrang kagalakan.

Umayos ako sa pagkaka-tayo. Sobrang lapad ng ngiti niya habang nakatingin sa kanyang cellphone.

"What's up with you? Para kang may bulate sa pwet. Hindi ka naman ganiyan, ah!"

She rolled her eyes at me. "Wala akong ganoon! Sobrang saya ko lang kasi niyaya ako ni Ian na makipag-kita sa kanya!"

I can't believe what I just heard. Hindi sa ayaw ko kay Ian, pero ayoko talaga sa kanya. Halos lahat 'ata ng babae sa batch namin ay naging ex niya. Cailah don't deserve him.

"Pumayag ka ba?" Tanong ko.

Stupid, Tania! Sa itsura pa lang niya ngayon ay masasabi na 'agad na pumayag nga siya.

"Of course! This is my dream, Tania. Alam mo 'yan," aniya habang patuloy na nakatutok sa kanyang cellphone.

"Ang babaw ng pangarap mo, Cailah," gusto ko sanang sabihin kaya lang ayokong masira ang mood niya ng dahil sa akin.

I heaved a sigh. "Alam ko, Cailah. Sige, ikaw ang bahala. Maglilinis lang ako ng katawan."

She just nodded her head. Hindi ko na hinintay kung may sasabihin pa siya sa akin o wala. Tumungo 'agad ako sa bathroom.

"Tania! Wake up!" Pakiramdam ko ay nabingi ako sa sobrang lakas ng sigaw na 'yon.

"Anak! Bumangon ka na diyan. Anong oras na kaya!" I covered my ears with my pillow. Bahala kayo diyan. Gusto ko pa matulog.

Napahawak ako sa headboard ng kama. May bigla na lang humila sa paa ko!

"What the hell!?" I unconsciously said out loud.

"Anong "what the hell?" Gusto mong dalhin kita sa hell?" Ani Mommy habang pilit akong binabangon sa kama.

Nai-suklay ko ang aking kamay sa buhok ko. Sumabit ito pagdating sa dulo dahil buhaghag pa ang buhok ko ngayon.

Minulat ko ang mga mata ko. Tumambad sa aking harapan si Mommy at si Cailah. They looked really excited.

"Mommy, Cailah. Bakit ba 'yon? Ang aga pa kaya!" Hindi ko napigilan ang sarili ko. Ayoko pa naman sa lahat ay yung nabi-bitin ang tulog ko.

I stood up. Dinampot ko 'yung panali ng buhok sa bedside table. Basta-basta ko na lang dinakma 'yung buhok ko saka itinali.

Binigay ni Cailah sa akin 'yung tuwalya. "Maligo ka na. Parating na 'yung make-up artists na mag-aayos sa ating lahat."

"Pagkatapos mo maligo, bumaba ka na para mag breakfast," pahabol ni Mommy bago sila lumabas ni Cailah.

Parang napaka-bigat ng mga paa ko habang papunta ako sa bathroom. Tiningnan ko 'yung orasan. Alas diez na ng umaga.

Babalik na sana ako sa kama nang biglang bumukas 'yung pinto. 'Agad akong umikot at naglakad patungo sa direksyon ng bathroom.

"I know what you just did there, Tania!" Naniningkit ang mga mata ni Mommy habang nakasilip sa hamba ng pintuan. Nakita ko naman si Cailah na nakadapa sa sahig habang sinisilip ako.

It Was Always You (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon