Chapter 41

338 20 0
                                    

Kapansin-pansin ang paghinto ng isang magarang sasakyan sa tapat ng main gate ng Alfheim Academy. Ang mga estudyante ay kusang napatingin doon.

Bumukas ang pinto at bumaba si Tania.

"Good morning, Miss!" Bati ng ilang estudyante sa kaniya.

Kumalabog ang pinto nang isinara iyon ni Tania. Isinukbit niya sa kaniyang balikat ang bag. Sinalubong niya ng ngiti ang mga estudyante'ng nag-aabang sa pagbati niya.

"Good morning! Tania na lang ang itawag niyo sa akin," aniya bago sila
lagpasan.

Tumungo si Tania sa kanilang gusali. Ngayon ang araw ng unang pagsusulit nila. Ang mga mata niya ang ebidensya na nag-aral siya ng mabuti para sa araw na ito.

Habang tinatahak ni Tania ang daan papunta sa examination room ay nagkasabay sila ni Stacie.

"Good morning, Stacie! Ready ka na ba sa exam?" Tanong ni Tania dito.

Tumango si Stacie. "Ready na ako."

Tania smiled awkwardly. Ilang linggo na niyang nakakasama ang mga kaklase niya. Lahat ay naging malapit na sa isa't-isa... Lalo na silang dalawa ni Dwight. Tanging kay Stacie lang siya nahihirapan makisama dahil sa ugali nito.

Pagdating nila sa examination room ay tumabi 'agad si Tania kay Dwight.

Ilang araw mula noong unang araw ng pasukan ay nagbago ang seating arrangement ng lahat. Tulad na lang nina Cailah at Matt na magkatabi sa unang row. Sa ikalawang row ay ang madaldal na si Ranie at ang tahimik na si Stacie. Ang ikatlong row ay sina Dana at Danielle. At sa pinakahuling row ay sina Dwight at Tania.

"Good morning!" Bati ni Tania sa katabi.

Saglit siyang nilingon ni Dwight. "Good morning, Tania."

Nabigla si Tania sa kakaibang kinikilos ni Dwight. He would always smile at her, no matter what. Iyon ang palaging ginagawa ni Dwight tuwing dumarating siya.

Tinitigan ni Tania si Dwight. He was holding a book. Kanina niya pa hawak iyon ngunit hindi niya binuklat para basahin ang mga nilalaman nito.

"Mag re-review muna ako, Duval," inabangan ni Tania ang isasagot sa kaniya ni Dwight, pero hindi ito nagsalita.

Tumagilid ang ulo ni Tania at nagsimula nang magbasa. Naisip niya na baka kinakabahan o pressured lang si Dwight gawa ng exam nila.

Walang ginawa ang 1-A sa araw na iyon kundi ang sagutan ang mga tanong sa bawat asignatura. Tila magkaka-away ang lahat dahil masyadong seryoso ang mga ito. Nagagawa lang nilang magpansinan kapag kakain sila.

"Gusto mo, Duval?" Inalok ito ni Tania ng blueberry cheesecake.

Umiling lang si Dwight at ipinagpatuloy na nito ang pagbabasa. Dahandahang inilayo ni Tania ang lalagyan ng blueberry cheesecake. Sinimulan niya na iyong kainin. Hindi na rin niya nagawang tingnan pa si Dwight dahil natatakot siya sa kinikilos nito.

Lunes ginanap ang araw ng pagsusulit ng 1-A. Pagkatapos ng araw na iyon ay nagkaroon sila ng apat na araw para magpahinga at mag bakasyon. Ang pagsusulit ng mga estudyante mula 1-B hanggang 1-E ay ginanap mula Lunes hanggang Biyernes.

Dumating muli ang araw ng Lunes. Normal na araw na iyon para sa lahat ng estudyante. Pa-unat unat ang iba. Ang ilan sa mga napa-aga ang dating sa Alfheim ay nakikipag-kulitan sa kanilang mga kaklase. Ang iba ay naka-tambay sa garden at library para matulog.

Pagbaba ni Tania sa sasakyan ay tumungo 'agad siya sa bulletin board malapit sa main gate. Nakapalibot doon ang mga estudyante at nagkaka-gulo. Nang makita nila ang paparating na si Tania ay bigla silang nabuwag at tumabi sa gilid.

It Was Always You (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon