Umuwi na kaming lahat pagkatapos naming magpalipas ng oras sa tambayan. Pumunta muna ako sa mall bago umuwi sa bahay dahil may pinapabili sa akin si Mommy.
Napalingon ako sa aking likuran. Nararamdaman ko talagang may sumusunod sa akin. Binilisan ko na lang ang lakad ko papunta sa Supermarket.
Nag-vibrate ang cellphone ko. Nag-text si Dwight.
From: Dwight
Where are you? Hindi ka pa daw nakaka-uwi.
To: Dwight
Nasa mall. I've got some errands to run. Why?
Ang bilis niyang mag-reply.
From: Dwight
Don't leave, okay? Just stay where you are. I'm on my way.
What?!
Nasa tapat na ako ng grocery, pero hindi muna ako pumasok sa loob. Hihintayin ko na lang si Dwight. Pumunta ako sa mga kainan na katapat lang ng grocery at umupo sa bakanteng silya.
Habang tumatagal ay mas lalong sumisibol ang kaba sa aking dibdib. May nagmamasid talaga sa akin mula sa malayo. Pumikit ako para pakalmahin ang sarili.
Nag-text ulit ako kay Dwight. Sinabi ko sa kanya kung saan niya ako pupuntahan. Nasa bungad lang ito kaya nakita 'agad ako ni Dwight pagdating niya. Tumayo ako para salubungin siya. Nagulat pa ako nang tumili ang mga babaeng kumakain sa kainan na nasa tabi nitong Hen Lin.
Kumunot ang noo ni Dwight. Napatingin siya sa mga babaeng natulala na sa kanya. Naglabas pa ng mga camera 'yung dalawa!
"Someone's jealous," sumisipol siya habang naglalakad kami.
Hinila ko 'yung push cart. Tinulak ko iyon papunta sa kanya. Halatang nanggigigil ako sa ginagawa ko.
"Ikaw magtulak niyan!" Nakangiti siya habang nakatitig sa akin. "Wag kang ngumiti diyan. Hindi bagay sa 'yo!" Sabi ko at nanguna sa paglalakad.
Mabilis siya maglakad kaya naabutan niya ako. Tumungo kami sa stand ng fresh sliced fruits. Kumuha ako ng tag-limang watermelon at papaya. Napag-desisyunan naming maghiwalay muna para mas mapabilis kami. Kinuha ko sa ilalim ng push cart ang blue basket na nilagay ko.
"Na-send ko na sa 'yo 'yung iba pang mga kailangan. Dito na lang din tayo magkita sa tapat ng mga shampoo mamaya."
"Alright. I'll call you when I'm done," aniya.
Pumunta ako sa mga tsokolate. Pinapabili ni Mommy 'yung pinaka-malaking toblerone na mabibili dito.
Sunod kong pinuntahan ang toiletries section. Siniguro kong nakalagay na sa basket ang mga kailangan kong bilhin. Nang matapos, hinanap ko naman yung inuming tsokolate.
Abala ako sa paglalagay ng Chuckie sa basket nang maramdaman ko na namang may nagmamasid sa akin. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko 'yung lalaking naka-itim na cap na tumatakbo palayo.
"Who are you?!"
Iniwan ko 'yung basket at hinabol ang kahina-hinalang tao na 'yon. Luminga-ling ako sa paligid. Ang bilis niyang mawala!
Nahihilo na ako sa kakahanap sa lalake sa dagat ng mga taong nagkalat dito sa Supermarket. Napahawak ako sa push cart ng isang mamimili. Hinilot ko ang aking sentido.
"Miss, okay ka lang?" Tanong ng babae.
"O-Opo. Ayos lang ako," naglakad na ulit ako pabalik sa pinag-iwanan ko ng basket.
Sino ba ang lalaking 'yon? Bakit niya ako sinusundan?
"Why did you—" Sinakop ni Dwight ang distansya sa pagitan naming dalawa. Hinawakan niya ako sa braso. "Are you okay? N-Namumutla ka!"
BINABASA MO ANG
It Was Always You (Published)
Teen FictionLahat ay kuntento na maliban kay Tania. For her, being the Rank One is not enough knowing that her rival, Dwight, is willing to do everything to be on top. Unexpected things awaits as they continue their last journey in High School. Masusubukan ang...