Chapter 30

496 30 44
                                    

C A I LA H

Tulala kaming lahat dito sa living room. Lahat ay parang binagsakan ng langit at lupa. Hindi kami makapaniwalang hindi na 4-A si Dana. Hindi. Hindi ako naniniwala.

"Cailah, tawagan mo naman si Tania," ang boses ni Stacie ang nagpabalik sa isip ko sa kasalukuyan.

Nilabas ko ang aking cellphone. I dialled her number. Hindi niya sinasagot.

"Ayaw sagutin," sabi ko habang nakatapat sa aking tainga ang cellphone. "Nagri-ring lang." 

Nilingon ko si Dwight. Madilim ang kanyang tingin sa papel kung saan nakalagay ang rankings namin. Nakapangalumbaba ang katabi niyang si Ranie, mukhang may malalim na iniisip. Nasa cellphone din ang atensyon ni Matthew, sinusubukang tawagan si Dana. Samantalang inaalo ni Stacie ang kanina pang umiiyak na si Danielle.

"Hindi rin sinasagot ni Dana 'yung tawag," Matthew murmured in a frustrated tone.

"Malamang ay alam na ni Dana at ng parents niya ang naging resulta sa exam," pinakita ni Ranie sa amin ang kanyang cellphone.

Nakalagay sa screen ang notification na nagsasabing napadala na ng school sa aming mga bahay ang resulta ng exam. Sigurado rin ako na nabuksan na nila ang website ng school kung saan makikita ang digital report card.

Napunta ang atensyon ng lahat sa pinto nang bumukas iyon.

"Guys!" Tania said breathlessly. Dwight stood up and walked towards her. Inabutan siya ni Dwight ng tubig at umupo sila sa isang couch.

Nagulat kaming lahat nang biglang tumayo si Danielle at umupo sa tabi ni Tania. Her hands were trembling as she held Tania's hands.

"T-Tania," pumiyok ang boses niya. "Ibalik mo naman si Dana sa 4-A. Kausapin mo siya. A-Ayaw niya na kasi akong kausapin. Bilang leader namin, Tania. Please..." Danielle's tears continued to flow and the sobs wracked her body.

Napa-awang ang bibig ni Tania. Tears were in her eyes, but she tried to look brave. Kahit ako ay naiiyak na rin. Masakit para sa amin ang nangyari. This is a nightmare. This is a very frustrating situation. Hindi namin inakalang darating ang araw na may isang matatanggal sa 4-A. 

"Susubukan ko, Danielle. Hindi ako mangangako na magagawa ko nga 'yon, pero susubukan ko pa rin sa abot ng makakaya ko," niyakap ni Tania si Danielle.

"Tutulong ako," all eyes turned to Ranie.

"Ako rin," si Matthew.

"Me, too!" Sabi ko.

"Tutulong ako, Danielle," nginitian ni Stacie si Danielle.

"Dana belongs here. Let's get her back," ani Dwight. Nagkatinginan pa silang dalawa ni Tania na para bang iisa lang ang nasa isip.

Pinag-usapan namin kung paano tutulungan si Dana. Nalaman ko na maging sila ay hindi rin kumbinsido sa nangyari. Sinasabi ko na nga ba... Someone framed her up. Sana lang ay maibalik namin si Dana sa 4-A.

"Puntahan natin si Mr. Evangelista," suhestiyon ni Ranie nang hindi nakatiis.

"Mamaya pa darating si Mr. Evangelista. Mga 10 AM pa siguro," sabi ni Danielle.

Biglang nag-ring ang teleponong konektado sa lahat ng pasilidad ng Alfheim. Si Matthew ang sumagot.

"Hello... Yes? Oh! This is Matthew of 4-A... Okay, we're coming..."

"Sino 'yon?" Tanong ko pagkatapos ng tawag. "Secretary ni Mr. Evangelista. Pinapatawag daw tayo." 

Hindi kaya...

It Was Always You (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon