Chapter 24

510 31 61
                                    

Marami kaming nalaman tungkol sa Karma Kandara. Ang sabi ng General Manager, hindi pa daw natatapos ang paghanga namin sa buong resort dahil may surpresang naghihintay sa amin mamaya.

Habang naglalakad, inalala ko 'yung mga nalaman ko sa mga pinuntahan namin kanina.

Karma Kandara is a 5-star resort on the South point of Bali. It has 54 pool villas spanning one to four bedrooms. Ang nag-iisang villa na may five bedrooms ay ang tinatawag nilang Karma Villa Maria. 142,000 per night ang bayad sa mala-palasyong villa na 'yon.

Una kaming dinala ng General Manager sa Veritas na isa palang wine bar. Hindi kami masyadong nag enjoy doon dahil hindi naman kami pala-inom ng wine. Ang mga magulang lang namin ang nasiyahan. Nagawa na nga nilang mag plano tungkol sa kanilang gagawin mamaya—iyon ay ang uminom ng wine sa Veritas.

Sunod kaming dinala sa gym. Hindi kami masyadong nagtagal. Si Ranie lang ang tuwang-tuwa sa aming lahat. Kinakailangan pa siyang buhatin ng kanyang ama para lang makalabas siya doon.

Ngayon naman ay tinatahak na namin ang daan papunta sa Di Mare Restaurant kung saan kami magla-lunch. Para makapunta sa restaurant, kailangan naming dumaan sa maliit na tulay na kahoy.

Napukaw ng isang sign board ang atensyon ko pagka-apak namin sa tulay. May nakikita akong tatlong drawing ng unggoy sa taas. Lumapit ako doon para mabasa ang nakasulat.

PLEASE DO NOT FEED OR TEASE THE MONKEYS. THEY ARE FAT & GRUMPY ENOUGH!

Sabagay, para kaming nasa jungle kaya hindi na nakakagulat kung maraming unggoy at wild animals dito. Sinabihan din kami ng General Manager na mag-ingat dahil maaaring makapasok ang mga unggoy sa loob ng aming villa.

"Pati ba naman dito, Ranie? Grabe! Kalat na kalat ang angkan niyo!" Humalakhak si Cailah sa likuran ko.

Wala siyang pakialam kahit na narinig siya ng parents ni Ranie. Tinawanan lang siya ng mga ito at nakisali pa sa trip niya!

Hindi nila tinigilan si Ranie hanggang sa makatawid kami sa tulay. Nakapagtataka lang dahil wala siyang pakialam sa pang-aasar nila sa kanya. Kanina ko pa din napapansin na wala siyang imik simula nang umalis kami sa gym.

"What are you thinking?" Nilingon ko si Dwight na nasa tabi ko na pala. "Bigla ka nalang natahimik."

Binagalan namin ang paglalakad. "Si Ranie kasi," nagtaas siya ng kilay. "Kanina pa siya wala sa sarili."

"Nag away sila ni Stacie. Maybe that was what he had been so preoccupied with lately," aniya habang nakatingin kay Ranie.

Napatingin din ako kay Ranie. Si Matt ang kasabay niya sa paglalakad. Malayo sila ni Stacie sa isa't isa.

"Alam din kaya nina Cailah?" Tanong ko habang nakatingin kay Dwight.

He nodded. "Ramdam din nila, but they didn't bother to ask about it. Hihintayin siguro nilang si Ranie mismo ang mag kwento."

Hmmm. May point si Dwight. Alam kong napapansin din nila na may kakaiba sa kaibigan namin, pero hindi nila pinapa-halata.

"May nasabi ba sa 'yo si Ranie? Sila ba ni Stacie? Umamin ka nga sa akin, Dwight!" Para akong uhaw na uhaw na malaman ang totoong namamagitan sa kanilang dalawa.

Tinawan niya ako 'tapos ginulo niya 'yung buhok ko. "Stop asking about them. Let's just talk about us."

Humaba ang nguso ko nang mapagtanto ang ibig niyang ipahiwatig.

Ngumisi ako. "Tara na nga!" Hinila ko siya dahil napag-iiwanan na kami.

Halos lumuwa ang mga mata ko habang umaakyat papunta sa Di Mare Restaurant. The restaurant is perched on the edge of a cliff!

It Was Always You (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon