Chapter 3

893 43 55
                                    

Nakakunot ang noo ko at tulala. Hindi pa rin mawaglit sa isip ko 'yung nangyari kanina. Kahit nung nag-eempake ako sa bahay at panay ang pangungulit ni Mommy ay hindi ko siya nagawang pansinin.

Bago tumungo sa bahay nina Dana ay sinundo ko muna si Cailah sa kanila.

"Finally! Kanina pa namin kayo hinihintay!" Tuwang tuwa si Dana nang salubungin niya kami ni Cailah sa gate nila.

Umakyat muna ako sa second floor para ilagay sa guest room ang bag ko. Hindi ito ang unang beses na dito kami matutulog sa bahay ni Dana. Gawain na namin 'to since 1st year.

"Di na ba talaga susunod si Stacie?" Tanong ko nang makababa. Umupo ako sa tabi ni Danielle na busy sa paglalagay ng nail polish.

"Susunod daw siya," nakangiting tugon ni Dana.

"Bakit ang dami mong bini-bake?" Tanong ko kay Cailah pagka -lapag niya ng brownies sa center table.

Nagka-tinginan ang tatlo. Woah! They were having a conversation through their eyes.

"Si Stacie lang naman ang hinihintay natin 'di ba?" Tanong ko ulit.

Nasagot ang tanong ko nang sunod sunod na pumasok sina Ranie, Matt at si... Dwight.

"We invited them! The more the merrier!" Ani Danielle.

Oo nga! Ang galing niyo talaga!

"O, bakit parang ayaw mo?" Si Dwight pagka-upo sa tabi ko.

"Oo nga naman, Tania. Ayaw mo ba kami dito?"Pag segunda ni Matt.

"Hindi, ah?" Labas sa ilong na sagot ko.

"Good! Akala namin ayaw mo, eh!" Sabi naman ni Ranie habang ngumunguya ng brownies.

Napa irap na lang ako sa kawalan. Ayos lang naman na nandito sila pero... bakit pati si Dwight?

"May kukunin lang ako sa kwarto," paalam ko saka mabilis na umalis sa living room.

Kaya nga ako pumayag na matulog dito para hindi ko maisip 'yung ginawa ng lalaking 'yon! Tapos ma-lalaman ko ngayon na nandito siya. Sinasadya niya ba talaga ang lahat para mainis ako?!

Napatalon ako nang biglang bumukas ang pinto. "A-Ano'ng ginagawa mo dito?" Hindi niya ako pinansin. Inilapag niya 'yung backpack niya sa ibabaw ng isang kama.

"Hoy, Rank Two! Bakit ka sabi nandito?" Hindi niya pa rin ako pinapansin.

Bakit ba ang bingi ng mga tao ngayon?! Inis akong tumayo saka dinampot ang backpack niya.

"A-Ano'ng gagawin mo sa bag ko?!" Pilit niyang inaagaw sakin 'yung bag.

"Ilalagay ko sa kabilang kwarto. Hindi ka naman dito."

"Estrada, ibigay mo sakin 'yan," he said through gritted teeth. Siya pa ang may ganang mainis ngayon?

"At bakit ko naman ibibigay sa 'yo, J-Jara—" Tumawa siya. "Ilalagay ko na nga sa kabilang kwarto ayaw mo pa? Ang arte mo!" Napa lakas na ang boses ko dahil sa inis.

"Bakit mo dadalhin sa ibang kwarto kung ito ang kwarto ko?" Aba!

Sinisigawan mo ako?

Hinagis ko sa kanya 'yung bag at hindi na pinansin. Dinampot ko 'yung sa akin. Mabilis kong pinihit ang doorknob. Halos mabitawan ko 'yung bag ko dahil sabay-sabay na nagsipag-bagsakan sa sahig sina Cailah, Dana, Danielle, Ranie, Matt at Stacie.

"A-Aray! Tumayo ka nga, Matt! Ang bigat mo!" Reklamo ni Ranie dahil nasa ibabaw niya si Matt.

Naalala ko, tinamaan nga pala ng pinto kanina 'yung likod niya kaya masakit.

It Was Always You (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon