C A I L A H
Sunlight blinded me as we walked onto the field. Ang bag ni Tania ang ginawa kong shield. Dwight asked me to carry my cousin's bag for him. Siya dapat ang magdadala nito kaya lang pinag buhat din siya nina Ranie ng "props" daw para mamaya.
Nauuna kami sa paglalakad dahil wala naman kaming masyadong bitbitin. Hindi katulad nung tatlo sa likod, paramihan ng dalang plastic bags.
Ang naglalakihang tarpaulin ng mga kandidata ang sumalubong sa amin. Sinabayan ko pa 'yung Closer ng The Chainsmokers na pinapatugtog ngayon ng DJ.
Bukod sa bleachers na makikita sa magkabilang gilid ng field, mayroon din silang nilagay na monoblock chairs dahil balita ko ay pwedeng makapasok sa Alfheim Academy ang kahit na sino.
Maayos na rin ang tables and chairs. Para 'yon sa mga kamag-anak at mga kaibigan ng mga kandidata. Inilaan din 'yon para sa mga panauhin na dadalo mamaya. Sa tapat ng ramp stage ay makikita ang presidential table para sa judges.
May malawak na daanan sa gitna na mismong nilalakarin namin ngayon kaya nakikita ko ang lahat. Kahit malayo ay natatanaw ko 'yung stage. Talagang pinaghandaan!
Sa gitna ay ang LED backdrop at kung hindi ako nagkakamali, flexible LED video curtain display ang nakapalibot doon. Mayroong dalawang naglalakihang screen sa magkabilang gilid. Makikita doon ang Miss Alfheim 2016 na 'agad pinalitan ng slideshow ng mga kandidata para sa taong ito.
Tumili sina Danielle nang biglang nag pop out 'yung pangalan ni Tania kasama ang kanyang litrato na parehong makikita sa mga tarpaulin.
"Oh my God! Kaibigan ko 'yan!" Sigaw ni Dana habang nakatapat ang kanyang camera sa LED backdrop.
Napatingin ako kay Dwight. Nakangiti siya habang nakatingin din sa picture ni Tania. Wala siyang kamalay malay na naka focus na sa kanya 'yung camera.
'Agad lumapit sa kanya si Ranie. "Proud boyfriend here!" Sigaw niya habang tinuturo si Dwight.
A smile touched the corners of his mouth. "Yeah. I am so proud of her."
"Weh? Bakit? Boyfriend ka ba? Single tayong lahat dito!" Ani Ranie na nagpatawa sa aming lahat.
Nakisali pa si Matthew. "Wow, dude! I was shocked at how harsh reality can be!"
"You're right, Matt. That's why it was useless for you to fantasize about Cailah," ganti ni Dwight na tumatawa pa nang iniwang tulala si Matt.
Ginatungan ni Ranie si Dwight. "Ano ka ngayon, dude? Saklap 'di ba?"
"Shut your big mouth, Ranie! Ikaw din! Wala kang pag-asa kay Stacie!" Sigaw ni Dwight.
Mga sira ulo!
Kaunti pa lang ang mga taong nandito. Karamihan ay ushers at usherettes. Nakikita ko din ang mga miyembro ng student council na pakalat-kalat sa buong field. Sila kasi ang nag-organize ng event.
"Cailah, anong number ng tent ni Tania?" Tanong ni Dana.
"Number 16, Dana." Sagot ko.
Naglaan sila ng mga tent para sa bawat kandidata. Ibig sabihin, walang kashare si Tania. Dapat lang 'yon para maiwasan ang dayaan at reklamo.
Nagulat ako nang bahagyang bumangga sa kaliwang braso ko si Ranie. Ganoon din ang ginawa Dwight na nasa kanan ko. Sumunod sa kanila si Matthew na nakapwesto sa harapan ko.
Hindi naman sila mukhang bodyguard nito, ah? Parang pinoprotektahan nila ako laban sa masasamang elemento.
"Paano 'yung sa likod ko? Walang bantay." Tumawa ko.
BINABASA MO ANG
It Was Always You (Published)
Teen FictionLahat ay kuntento na maliban kay Tania. For her, being the Rank One is not enough knowing that her rival, Dwight, is willing to do everything to be on top. Unexpected things awaits as they continue their last journey in High School. Masusubukan ang...