Ginising ni Ma'am Andrea sina Dana at Danielle pagdating namin sa TPLex. Nasa Tarlac na kami. Ilang minuto na lang at makakarating na kami sa aming destinasyon.
Nagbabad kami sa panonood ng pelikula. Ako, si Dwight, si Matt, at si Cailah ang naka-upo sa sofa sa kaliwa. Solo ulit nina Ranie 'yung sa kabila. Sina Danielle ay kasalukuyang kumakain.
Tumayo si Ma'am Andrea. "Kakausapin ko lang 'yung driver at ang dalawang bodyguard."
Bigla na lang niyang nilabas ang walkie-talkie. Iyon ang ginagamit niya para makipag-communicate sa ibang guro.
Kanina ay pinagana namin ang built-in karaoke kaya lang ay mas lalong lumakas ang ulan. We chose to watch that Asian horror movie instead.
Gumapang ang kamay ni Dwight papunta sa kamay ko. Bumaba ang tingin ko doon. Isiniksik niya ang sarili niya sa akin.
"Listen to me, please? I'm sorry. I really am. We had to go back to our house because Lolo was there and he was looking for me."
Nag-angat ako ng tingin kay Dwight. Fear was crossing his face. I clenched my fist. No... No. I don't want to hear the reason why.
Hinila ko si Dwight. Isinandal ko ang ulo niya sa balikat ko. Ang kanang kamay ko ay nakahawak lang sa pisngi niya.
"I am sorry, too. Magiging maayos din ang lahat, Dwight," sabi ko habang marahang tinatapik ang mukha niya.
Ngayong nandito na ang Lolo niya, hindi na magiging madali ang lahat para sa amin ni Dwight. But one thing's for sure, I won't give him up.
"I love you," hinalikan ko ang ulo niya.
"I love you," his voice cracked.
My poor Dwight...
Marahil ay natatakot siya dahil baka iwanan ko siya. That's not gonna happen. I won't let that happen. Tama na ang paghihirap mo, Dwight. This time, we'll face him together...
Hinayaan kong matulog si Dwight sa balikat ko. Pakiramdam ko ay kinukuhaan nila kami ng litrato kaya yumuko na lang ako. I gently tapped his face to wake him up when Ma'am Andrea announced that we've reached our destination.
We arrived in Barrio Turod at exactly 7:45 AM. Huminto ang bus sa gitna ng maliit na basketball court.
"Sina Kuya na ang magbababa sa mga maleta ninyo. Pumila muna kayo sa baba," ani Ma'am Andrea.
Bakit ibababa ang mga maleta? Hindi na ba kami matutuloy sa hotel?
Inalayayan ako ni Dwight sa pagbaba sa bus. Maaliwalas na ang kalangitan. Mabuti na lang at tumila na ang ulan.
Lumabas ang mga tao mula sa kanilang mga bahay para tingnan kami. Inakbayan ako ni Dwight. Inilibot namin ang paningin namin.
I don't want to offend anyone, but this place is dull. Ang dalawang ring sa basketball court ay nasira na. Ang pintura sa semento ay burado na. Ang mga bahay na nakapalibot sa court ay walang pintura. Ang mga tindahan ay halos wala nang laman. Kalbo na rin ang mga puno at halaman na nakapaligid sa amin.
Lumipad ang mga tuyong dahon nang umihip ang hangin. Ang lugar na ito ay parang... ghost town. I wonder how the people survive living here.
Ayon kay Ma'am Andrea, ang lugar na ito ang pinaka-mahirap sa buong Sison, Pangasinan. Nandito kami ngayon upang tulungan sa lahat ng gawain ang napiling pamilya ng Alfheim Academy.
"Iyon ang tahanan ng mga Casareno," tinuro ni Ma'am 'yung bahay sa hilagang-silangan.
"Where, Ma'am Andrea?" Ani Danielle na palinga-linga sa paligid.
BINABASA MO ANG
It Was Always You (Published)
Teen FictionLahat ay kuntento na maliban kay Tania. For her, being the Rank One is not enough knowing that her rival, Dwight, is willing to do everything to be on top. Unexpected things awaits as they continue their last journey in High School. Masusubukan ang...