"Boyfriend ba ni Tania 'yon? Bakit hindi namin alam, huh?" Hysterical naman 'ata itong si Ranie?
"May "I missed you" and "I missed you, too" pa silang nalalaman!" Sumabat naman si Matthew.
"Pwede ba, hayaan niyo muna akong magsalita? Ang dami niyong tanong!" Awat ko sa kanila.
Tumahimik naman silang lahat.
"Yung lalaki kanina, siya si Andrei Luke Jenares. Kababata namin siya ni Tania, pero mas close sila. As in close na close talaga. Hindi na nga sila mapaghiwalay noon. Lagi silang magka dikit kahit saan. Well, syempre 'pag pupunta sa CR, ibang usapan na 'yon," nakikinig talaga silang lahat sa kwento ko, even Dwight.
"Kaya lang, pagka-graduate namin ni Tania noong grade school, nag-migrate 'yung pamilya nina Andrei sa London," I added.
"Pero bakit hindi kayo close? I mean, kababata mo din naman siya 'di ba?" Tanong naman ni Dana.
"Good question. Kahit kababata ko siya, may iba pa akong kaibigan that time at si Tania lang ang madalas na nakakasama niya kaya mas close sila," satisfied naman silang lahat sa sagot ko.
"Kaya naman pala ganoon 'yung reaction ni Tania kanina. Na-fall ba sila sa isa't isa?" Ayaw magpa-awat ni Matthew.
"Ano ba 'to, storytelling? Nasabi ko na sa inyo kung sino 'yung lalaki kanina. The rest is history," sabi ko saka tumungo sa kitchen.
Hinanda ko na lahat ang ingredients para sa lulutuin ko ngayon. Chicken cordon bleu at buttered vegetables na lang. Nakakainis lang kasi hindi man lang ako nakapunta sa room nila Ian. 'Di bale, may bukas pa naman.
"Sagutin mo 'yung tanong ni Matt kanina."
Nabitawan ko 'yung kutsilyo. "You scared me to death, Stacie! Muntik pa akong mahiwa!"
Umupo siya sa stool. "Sorry. Curious lang."
"Kailangan mo ba talagang malaman?" Tanong ko habang naghihiwa ng cheese.
"Yes. Curious nga, eh," binitawan ko 'yung kutsilyo saka tumingin ng diretso sa kanya.
"To be honest, hindi ko alam, Stacie. Siguro? Baka? Ewan? Close talaga kasi sila dati," sagot ko bago ulit maghiwa "May tanong ka pa ba?"
"Wala na. Thanks," tiningnan namin si Dwight na nagmamadaling lumabas sa back door.
Bumuntong-hininga ako. Sorry, Stacie...
"Wow! Masarap 'to!" Mukha talagang pagkain 'to si Ranie. Nangunguna sa pagkuha sa mga pagkain.
Umupo ako sa tabi ni Dana. "Wala pa ba sila?"
"Wala pa nga, eh. Tagal nila!" Sagot naman ni Danielle "Let's pray," Dwight said.
After namin mag pray, nagsimula na kaming kumain.
"Guys! Sorry natagalan!" Lahat kami ay napatingin sa kararating lang na sina Tania at Andrei. Umupo silang dalawa sa mga bakanteng upuan sa dulo.
"San kayo galing?" Naunahan pa ako ni Ranie.
"Ah! Sinamahan ko si Drei sa registrar's office. Dito na siya mag-aaral!" Sabi na nga ba!
"Wow! Welcome to Alfheim Academy!" Sabi ni Dana kay Andrei.
"Thank you! Ang ganda dito!" Ani Andrei tapos tumingin siya kay Tania. Nagulat kami nang biglang tumayo si Andrei at niyakap ako.
"I missed you, Cailah! Akala mo 'di kita namiss 'no?" I instantly hugged him back.
I smiled. "Na-miss din kita!"
"H-Hey! Tama na 'yan! Let's eat!" Matthew's voice started to rise.
BINABASA MO ANG
It Was Always You (Published)
Teen FictionLahat ay kuntento na maliban kay Tania. For her, being the Rank One is not enough knowing that her rival, Dwight, is willing to do everything to be on top. Unexpected things awaits as they continue their last journey in High School. Masusubukan ang...