Chapter 17

536 35 6
                                    

C A I L A H

Tiningnan ko ng mabuti ang sarili ko sa salamin. Hindi naman siguro masama na kapalan ang make up paminsan-minsan. Gusto ko lang naman na magmukha akong presentable at kaaya-aya sa harap niya.

Sinamantala ko na ang pagkakataon dahil wala ang mga magulang ko. Nasa Seoul sila ngayon para dumalo sa isang conference. Nandito ako kina Tania habang wala sila.

"Aalis ka ulit?" Napalingon ako sa aking likuran. Nakatingin ng masama si Tania habang nakataas ang isa niyang kilay.

Dinampot ko ang bag ko sa kama. Muli kong sinulyapan ang sarili sa salamin bago harapin ang naiinip kong pinsan.

"Oo. Don't worry, saglit lang naman ito. I'll be back before dinner," I saw her rolled her eyes at me.

I rolled my eyes, too. "What's wrong with you, Tania? Maging masaya ka na lang para sa akin."

Lalabas na sana ako kaya lang ay humarang siya sa pintuan. "Yeah, I should be happy for you, Cailah!" She faked a smile. "Finally, after waiting for three fucking long years ay pinansin ka na rin ng gago mong crush! Sobrang saya ko, Cailah! I am so happy for you!"

Huminga ako ng malalim. Ayokong mag-away kami dahil lang dito. "Aalis na ako. Mamaya na ulit tayo mag usap," mabilis akong lumabas sa kwarto.

"Cailah!" Sigaw niya pero binalewala ko iyon.

I'm so sorry. Dito ako masaya, Tania...

"Manong, pakihinto na lang muna diyan sa gilid," pinarada ni Manong ang sasakyan sa gilid ng bahay nina Ian.

Ito ang ginagawa ko sa loob ng isang linggo. Ako ang sumusundo at naghahatid sa kanya tuwing may lakad kami. Isang araw kasi ay nilutuan ko siya.
Then, he asked me if he could take me out for a date. Syempre, pumayag ako.

"You're five minutes late!" Sigaw niya nang makapasok sa loob ng sasakyan.

Napangiwi si Manong sa ginawa niya.

Ngumiti ako. "S-Sorry. Traffic kasi..."

"Shut your mouth! I don't wanna hear anything from you, stupid!" Hindi niya na ako pinansin. Mabilis niyang kinabit ang ear pods sa kanyang mga tainga.

"Miss Cailah, tara baba tayo," napatingin ako kay Manong. "Papaandarin ko mag isa 'yung sasakyan para bumangga sa poste."

Umiling ako. "Kayo talaga. Alis na po tayo," tumango siya at sinumulan nang paandarin ang sasakyan.

Si Manong ang saksi sa lahat ng nangyayari tuwing nagkikita kami ni Ian. Nakiusap ako sa kanya na huwag niyang banggitin ang kahit na ano lalong-lalo na kay Tania at sa mga magulang ko.

Pagdating namin sa mall ay dumiretso si Ian sa isang boutique.

"Bayaran mo na," hinagis niya sa akin 'yung t-shirt na napili niya.

Napalingon ang mga tao sa loob ng boutique. It's okay. I don't care.

Muli siyang lumingon sa akin. "Ito pa pala!" Hinagis niya naman 'yung faded jeans.

"O-Okay," 'agad akong tumungo sa cashier.

Pagkatapos mag shopping, pumunta naman kami sa coffee shop. Tiningnan ko ang paper bags na hawak ko. Lahat ito ay kay Ian.

Frappé lang ang inorder ko dahil busog pa naman ako. Binigyan ko si Manong ng pera para may pambili siya ng pagkain kung sakaling magutom sa paghihintay sa amin.

I looked at the guy in front of me. Busy siya sa kanyang cellphone kaya nagagawa kong titigan siya ngayon. Halos lahat ng babae sa coffee shop ay nakatingin sa kanya. Ang swerte ko dahil sa lahat ng babaeng naghahabol sa kanya, ako ang pinili niyang makasama.

It Was Always You (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon