Hindi kayo nagkakamali. Totoo ang nakikita niyo. Published na ang It Was Always You!
Pina-self pub ko ang kauna-unahang istorya na natapos ko. Pina-self pub ko rin ang IWAY para may souvenir ako, ang mga kaibigan, mga kamag-anak, mga kakilala, at ibang readers.
Gusto ko lang din ipaalam sa inyo na may nawala at may nadagdag na scenes. Inalis ko lang 'yung scenes/dialogues na hindi naman importante. May dinagdag rin ako para mas mapabuti ang daloy ng kwento. Alam niyo naman kung gaano ka-haba ang IWAY at limited lang ang pages na binigay sa akin. 500+ pages ang sasakupin kapag sinama ko lahat kaya tinanggal ko na lang 'yung ibang scenes na hindi gano'n ka-importante. Isa pa, naglagay naman ako ng Special Chapters na exclusive lang para sa mga bumili ng libro.
Sa madaling salita, ang IWAY sa Wattpad ang raw/unedited version at 'yung libro ay ang revised version. 'Wag kayong mag-alala hindi ko naman buburahin ang IWAY kaya pwede niyo pa rin itong basahin ng libre.
So, if you're interested, kindly send me a message here on Wattpad for more details!
God bless everyone! ❤️
BINABASA MO ANG
It Was Always You (Published)
Genç KurguLahat ay kuntento na maliban kay Tania. For her, being the Rank One is not enough knowing that her rival, Dwight, is willing to do everything to be on top. Unexpected things awaits as they continue their last journey in High School. Masusubukan ang...