Chapter 34

327 23 11
                                    

T A N I A

Bumaba ako sa taxi na sinakyan ko papunta dito sa bahay. Mabibilis na hakbang ang ginawa ko para hindi mabasa sa ulan.

Si Mommy ang naabutan ko sa living room. Umupo siya sa loveseat. Seryosong-seryoso ang kanyang mukha. Nakipagtitigan ako ngunit ako rin ang unang nag-iwas ng tingin. I walked towards her and gave her a kiss. Pagkatapos ay umupo ako sa tabi niya.

"I'm sorry, Mom," hindi na talaga ako maaaring magsinungaling.

Kinuha ni Mommy ang isang litrong Chuckie na nakalagay sa center table. Isinalin niya ang laman nito sa basong puno ng yelo.

"Baka maging kulay tsokolate ang kulay ng balat ng kapatid ko," nasabi ko ng malakas.

Ang sama ng tingin sa akin ni Mommy. "Tigil-tigilan mo ako, Tania Louvelle!" Sumimsim siya. Inalok niya ako, pero tumanggi ako. "Kamusta nga pala ang party ni Ranie?"

Sunod-sunod ang paglunok ko. "Hindi ko po alam..." Tumaas ang kanyang kilay. "Nag-enjoy naman 'ata sila kahit paano."

'Agad akong nag-iwas ng tingin. Pinagsalikop ko ang nanlalamig kong mga kamay. Tahimik ang paligid kaya naririnig ko ang bawat paglunok ni Mommy sa iniinom na Chuckie.

"Okay, anak. Palitan mo na ang damit mo at magpahinga ka na."

Mababakas ang pagka-gulat sa mukha ko. Ganun lang 'yon? Hindi ko maiwasang hindi mapatingin kay Mommy. I was really stunned!

Mommy leaned closer to me. "What? Did I say something wrong? Sinabi ko lang naman na magbihis at magpahinga ka na."

P-Paano kaya nalaman ni Mommy?

Bumuntong-hininga ako at tumayo na. "Akyat na po ako, Mom. And I'm really sorry because I lied." 

Ngumiti si Mommy. Mukha namang wala na siyang sasabihin kaya umalis na ako. Naka-salubong ko naman si Manang sa hagdan. Umiling siya, pagkatapos ay tinapik niya ang aking balikat.

"Ang weird ng mga tao dito sa bahay..." Bulong ko nang makapasok ako sa aking kwarto.

Nag-text ako kay Cailah.

To: Cailah I'm home.

Humiga ako sa kama. I closed my eyes. I hadn't slept all night dahil sa dami ng iniisip ko. I should've been delighted instead of feeling frustrated. Kilala ko na kung sino ang may gawa no'n sa 4-A. Hindi ko lang talaga matanggap na sa dinami-dami ng taong pwedeng gumawa no'n ay siya pa.

Niyakap ko ng mahigpit ang unan. Traitor...

I checked the time. Crap! Halos tumalon na ako sa kama. Alas dos na pala ng hapon! Kailangan ko pang pumasok!

Nagmadali ako sa pagligo at pagbibihis. Kinuha ko ang backpack ko at lumabas na ng kwarto. Sa sasakyan na lang ako magsusuklay.

Napahinto ako sa tapat ng kwarto ni Drei. Nasa school naman na 'yon kaya hindi ko na kailangan pang isabay.

"Nandiyan ka pala, Tania. May naghahanap sa 'yo sa baba," napalingon ako kay Manang. Kakaakyat lang niya.

Tahimik akong sumunod kay Manang. Kung tama ang iniisip ko, maaaring siya nga iyon.

Sinalubong kami ni Mommy. "Sa kwarto na muna ako, anak. Ikaw na ang bahala sa kanya," hinalikan niya ako sa pisngi bago siya tuluyang umakyat.

"Ipaghahanda ko kayo ng inumin," Ani Manang at tumungo na sa kusina.

I quickly composed myself. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa living room kung saan naghihintay ang aking expected visitor.

Napatayo siya nang makita ako.

It Was Always You (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon